Isa akong katulong.
Oo katulong! Bakit ba?!
Naglalampaso ng sahig, naglilinis ng bahay, nagluluto ng pagkain at pinagsisilbihan ang amo!
Mga among walang ginawa kundi magpaganda, magpacute at mangharot ng mga lalaki.
"Taraaaaaaaaa!!!!"
Ay wait, bungangera rin pala sila.
Parang nilamon ang buong sound system sa sobrang lakas ng mga bunganga.
"Taraaaaaaaa!"
Napasibangot naman ako.
Ayan na naman!
"Sandali!"
sigaw ko rin habang inaayos ang mga gamit na kinalat ng salbahe nilang pusa. -____-
Si Cookie.
Nagkapusa sila na kasing ugali nila.
Hayy nako!
Dali dali akong pumunta sa kwarto ng dalawa kong step sister.
Oh, kung nababasa nyo ang title ay malamang alam nyo naman ang story ni Cinderella diba?
Oo, mala Cinderella ang peg ko dito kaya lumayas layas ka kung ayaw mo sa akin! Tse!
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang gulo nilang kwarto.
May aayusin na naman ako! =.=
"Bakit?"
"Anong bakit ka dyan?"
"Like duh, Tara! Ngayon ang date namin at wala kaming mapiling damit! Kailangan mo kaming pambili! Shu! Dali!"
Tinulak tulak nila ako palabas ng kwarto.
Paano ako bibili eh wala naman akong pera? Ang shu shunga talaga nila!
Binuksan ko ulit yung pinto.
"Walang per--"
Ay bastos.
Tinapunan nila ako ng pera at sinarhan ng pinto.
Sa loob ng 19 years na kasama ko sila hindi pa rin nagbabago ugali nila! Hayy nako -___-
Pero bakit pa sila magpapabili eh ang dami naman nilang damit? Halos mawasak na nga closet nila sa sorang dami ng damit na nakaimbak dun e, pero yaan na! Pag may sukli naman dito, akin na lang >:D Mwahaha! Yan ang advantage ko! *wink*
Naglakad ako papunta sa kwarto ko at nagbihis ng simpleng jeans at t shirt.Mapapasubo talaga ang kagandahan ko sa storyang to!
Oh pano ba yan?
Kita kits tayo sa Chapter 1?
Prologue pa lang to eh!
Pasilip lang sa storya ko!
Eh ano nga bang storya ko?
Action Story?
Hindi eh.
Fantasy Story?
Hindi din eh.
Toy Story?
Mas lalong hindi.
AHHH!
ANOTHER CINDERELLA STORY!
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story {COMPLETED}
HumorOnce upon a time, a maid turns into a Mafia Queen.