Chapter 55. Fear

144 3 1
                                    


AISHA POV

"You did well, Aein. So pwede na ba kitang masolo?" sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, ang landi mo Trace." Kararating ko lang galing office. From my Operation Fixing A Broken Heart of the Chinky Lovers. Chinky kasi parehas silang singkit.

Lumapit ito sa akin at pinulupot ang kamay nito sa bewang ko. "Kasi naman ang tagal mo doon." He rest his chin in my shoulder at hinihipan ang buhok na nakalaylay mula sa pagkakatali ko. Nakikiliti ako kaya medyo umusog ako pero nilapit niya ulit ang katawan niya sa akin. What the! Ang landi talaga ng lalaking ito.

"Kung maglalandian kayong dalawa pwede bang wag sa harapan ko? Sakit sa mata oh." napatingin kaming dalawa ni Trace kay Lex na umirap lang sa amin at pinagtuunan ng pansin ang magazine na hawak niya.

Wait... magazine?

"Kailan ka pa nahilig sa ganyan? / Are you gay?" sabay na tanong namin ni Trace hiniwalay ko si Trace sa akin.

Lumapit ako kay Lex at marahas na kinuha ang magazine sa kanya. "Aisha naman eh."

Binuklat buklat ko ang mga pahina. "Binili mo ba itong magazine na ito dahil sa kanya?" itinuro ko ang babaeng nasa front cover. "Kilala mo si Summer?"

Hinigit niya sa akin yung magazine at tumayo. "Akala ko ba naglalandian kayo? Wag niyo nga akong pakialamanan." Umirap itong muli at naglakad paakyat ng kwarto niya.

"Summer? Yung kapatid ni Kiefer?" tanong ni Trace at tinapatan ako.

I nod.

Ngumiti naman siya. "Ah."

Tapos mas lumawak ngiti niya. "Yang ngiti mo Montero hindi ko nagugustuhan." He smiled wider than that.

"Bakit? Masama bang ngumiti ha? Ha?"

These past few days nagiging clingy na itong lalaking ito. Dinaig pa ako. Feeling ko nababakla na siya sa sobrang makapit niya. "Aisha."

"Oh?"

"Kailan tayo magpapakasal?" nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. "A-ano?"

Malambing niya akong niyakap ulit. Ugh. Ano ba itong ginagawa niya sa akin?

"You see. After ng party mamaya matapos natin hulihin ang Fernandez can we start again? Let's get married." Humiwalay ako to face him. "Pwedeng wag muna natin madaliin Trace kasi--"

"Diba mahal mo naman ako?" I nod. "Mahal din naman kita ah. Mahal natin ang isa't isa."

What I saw from his eyes is not the Trace used to show. Something's wrong.

"Bakit ka ba nagmamadaling magpakasal tayo?" nawala ang ngiti sa labi niya and pain registered in his eyes.

Umiwas siya ng tingin. "Nothing... I just want to tie the knot. At tsaka isa pa, we're in the right age."

No... I don't think that's his reason.

"Is something bothering you Trace?" Umiling siya. "Aakyat muna ako."

Dali-dali siyang umakyat at iniwan ako dito na nag-iisa.

"What's wrong with him?" umupo ako sa sofa para isipin kung ano ba ang dahilan kung bakit siya nagmamadali ng marinig ko ang ingay mula sa labas.

"Teka Kit, ano bang pinuputok ng atay mo? Tiningnan lang niya ako, there's nothing wrong with that!"

"Nothing wrong pero you smiled at him!"

"What? Nagmamagandang loob lang naman ako, baka sabihan akong masama nung tao!"

"Nagmamagandang loob? Are you kidding me? He's a stranger Abi, tapos ngingitian mo? Are you flirting with him ha?"

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon