Chapter 15. A missing piece

515 14 3
                                    

ANDREA POV

"Go." sabi ni Lex na nakaupo lang at nanunuod sa amin.

Paano kami makakagalaw kung pareho kaming natutukan ng baril?

Mabilis akong pumunta sa likod niya at parang binigti siya sabay tinuhuran sa likod. (K, may ganun ba? Parang yung likod ng tuhod mo yung tinuhod. K. Ang gulo ko XD)

Intwist ko ang kamay niya para makuha yung baril pero shoot! Tumalsik!

Nagsmirk siya at hinila yung paa ko para masalampak ako sa sahig. Yung smirk niya more like derp eh. Imbis na maging cool natatawa ako. Peste pero teka!

Nakatayo siya at kukunin yung baril! Hindi pwede yun!

May nakita akong plato na kinuhanan ng pagkain ni Cj sa tabi ko at tinarget yung baril. Pak! Matamaan ka sana! Mahina pa naman ako sa targeting!

Ayan na..

Ayan na..

"YEAH!" sigaw ko na masapul yung baril para mapalayo lalo sa kanya.

Agad agad akong tumayo para habulin sya.

"Not too fast." may dinukot syang baril sa bewang nya. O___O

Napataas ako ng kamay at ngumisi. Itinumba ko ang table at nagtago doon at nagsimula siyang magpaputok.

So ito pala ang test?

Tumigil ang pagputok at napatingin ako sa dalawang pares ng paa sa harapan ko.

"How about two, Fritzie Scott?" napangiti ako at iniabot niya ang kamay niya sa akin para mapatayo ako.

"Pag test ng magulang natin kasi, dapat dalawa tayong lalaban. Huh." napatingin ako sa dalawang namilit sa sahig.

"Anong ginawa mo?"

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at binulong ang.. "Where it hurts the most."

-____-

"Grabe to."

*clap clap clap*

Napadikit kaming pareho sa isa't isa.

"Shems. This can't be Zoe Cj."

"It is Fritzie Andrea."

Nagkatinginan kaming dalawa.

"They're back!"

Napatakbo kaming dalawa sa dalawang lalaki sa harap namin. "DAD!"

Napatawa naman ang Daddy ko ng mahigpit ko siyang niyakap.

"How's my princess huh? Ang galing niyong makipaglaban kahit wala pa kayong alam." Alam?

Alam saan?

"Ganyan talaga pag nasa dugo pare." sabi ng Daddy ni Andrea.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Cj. Pareho namin hindi maintindihan. Last 10 years ago pa to. Hindi ko maintindihan kung bakit kami sinabihan na darating ang panahon na maghanda kami sa isang test na darating.

Galing sa Korea ang Daddy namin at may sarili kaming apartment malapit sa school na pinag aaralan namin. Hindi namin alam pareho kung bakit kami dun pinag aral eh ang dami namang ibang school na pwedeng pasukan na malapit dun sa lugar namin.

Ang mga Mommy naman namin ay..

Hay.

Nawala. Car Accident DAW sabi ng Daddy namin. Kaya simula nun lagi ng busy. Daddy's girl kami pareho.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon