Chapter 50.1 New memory

136 5 0
                                    

3 month later..

Summer POV

"Alin dito? Blue or Violet?" tanong niya sa kulay ng dress na isusuot niya pauwi.

"Ate Cassy, alam mo namang kahit ano bagay sayo eh."

"Hwag mo ngang bolahin si Cassandra, Summer." Dumating si Kuya na may dala-dalang isang paper bag.

"Ano yan?"

"Pagkain, baka mamiss ni Cassandra ang pagkain rito pagkabalik natin ng Pilipinas."

"Hindi naman ako mapili, Kiefer." napakibit balikat na lang si Kuya at inilapag sa kama ang mga pinamili niya.

Cassandra Adeline Lennon.

Yan ang pinangalan namin sa kanya. Since biglaan ang pag-alis namin ng Pinas nakaraang buwan ay biglaan rin ang naging pagpangalan sa kanya. Noong time na nagising siya, I'm so shocked. Oo, shocked. Sa pagkakaalam ko, ilang buwan pa dapat bago siya makarecover.

FLASHBACK

"Chyne, Chanel, Carfia, Kyla,Cassandra--" I heard how he snaped his fingers kaya napatigil ako.

"Yes, that's it. Cassandra. Cassandra ang ilagay mong pangalan niya." sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh yeah? At bakit naman Cassandra, kuya?"

"Tsk. Eh yun ang gusto ko. Hwag kang makialam." hinampas ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"At dahil ako si Summer Avaline, at ikaw si Kiefer Lane, edi siya si Adeline. Cassandra Adeline Lennon." nakita ko kung paano nagform ang lips niya into curve. Wow, napangiti ko ang twin brother ko.

"Sister natin siya." banggit niya. Habang abala kami sa pag-fill-up ng papeles ay nakarinig kami ng pagbasag kaya napalingon kaming pareho sa pinanggalingan.

My eyes widened. "Uhh.. gusto ko lang kasing uminom. Nauuhaw ako eh." sabi niya kaya napanganga ako.

Ang lakas ng itsura niya at parang wala siyang benda sa katawan niya. Malakas siya. Oo. Malakas.

"H-hey." kahit si Kuya ay nagulat dahil sa biglaang paggising niya. Bakit ang aga naman ata ngayon? I mean, bakit ang aga ng pagising ng isang comatose? Sa pagkakaalam ko ilang weeks at months pa ang dapat bago siya magising kaya gumagawa kami ng pangalan at info para makalipad siya ng ibang bansa.

"Sino kayo?" tumayo ako sa kinauupuan ko at pinulot ang basag na baso. Kumuha ako ng isa pang baso at nagsalin ng tubig para ibigay sa kanya.

"Sino...ako?" at sa pangalawang pagkakataon, may nabasag na baso. Napatingin ako kay Kuya and All I can see is confusion. Seriously? Wait w-what? Hindi niya kilala sarili niya? Yumuko ako para pulutin ang basong basag ulit -_-

"Hindi mo kilala ang sarili mo?" - Kuya

Umiling siya. Wala siyang alam kung sino siya. Weh? Ows? Asa naman! Baka niloloko lang kami nito eh.

"Call the doctor Summer." napatango ako at tinapon sa garbage bin ang basag na baso. Nagka-amnesia ba ang babaeng iyon o niloloko lang kami? Pero siguro possible nga. Look, unang pagkita ko sa kanya noong duguan siya ay.. mukha na siyang patay.

Like wtf, balot na balot siya ng dugo at nakakadiri lang.

Tinawag ko ang doctor at tinanong namin ang kalagayan niya. Nagkaroon nga talaga siya ng amnesia. Because of too much depression that time ng naaksidente siya ay iniisip niya lahat, kaya nagkaapekto ang utak niya ng tumama siya sa isang bagay o kaya nabugbog siya sa nangyari. Possible palang mangyari iyon. Edi sana ganun na lang ginawa ni kuya para makalimutan si Ate Hera.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon