Chapter 9. Biggest Mistake

406 19 1
                                    

AISHA POV

"Be mine or I'll shoot you?"  tapos tinutok nya sa akin ang baril.

Huta. Sabi ko na nga bang mamatay talaga ako ngayon eh.

At ano yang Be mine be mine na yan?! Bakit ang init ng pisngi ko? (_ _)

Nakaligtas nga ako sa mga pangit na yun pero sa demonyong to, hinding hindi!

"You owe me alot. Niligtas kita sa mga kumag na yun tapos thank you lang matatanggap ko?" humarap ako sa kanya.

"Ah eh.. Trace mapag uusapan naman natin to diba? Hoho."

"Oo naman. Its either na papayag ka na maging fiancee ko or papatayin kita at hayaan ang dugo mong dumaloy sa lupang ito." pinaikot ikot nya ung baril sa kamay nya. 

Bakit ba ipagpilitan nya ang sarili niya sa akin? Huhu. Ang dami dami niyang fangirls tapos sa akin pa sya nag ooffer ng fiancee thing na yan. 

"I can take you away from that hell, Romero." inikutan nya ako pinadaan nya ang baril sa pisngi ko.

Napalunok naman ako. Ayaw ko pa talagang mamatay.

Pero gusto ko din namang umalis sa lugar na yun. Ayaw ko na, sapat naman na siguro ang 10 years na paghihirap ko. Pero ano namang gagawin ko sa lalaking to?

Sa susunod talaga hindi na ako makikipagbangayan sa isang gangster kasi talagang mapapahamak ang malafairytale kong buhay.

"Go on. The decision is all yours. In 3.."

Hinawak nya ang baril at pumunta sa likod ko at tinutok sa ulo ko.

Shemay! Natatakot na talaga ako. Please lang..

Kung hindi naman ako sasama sa kanya mamamatay ako pero pag sumama ako mabubuhay ako kasama sya.

"2.."

Nanginginig na ako sa takot.

Pag sumama ako at pumayag buhay pa rin ako at matiwasay na kikilos sa mundong Earth. Shets.

Pag hindi, hindi ko na makikita si Drew!

Bahala na!

"2 and a half.." trinace nya ang mukha ko gamit ang baril.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon