Chapter 31. Downfall

281 9 0
                                    

Trace POV

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil tapos na ang war sa Mendez-Fernandez o maiiyak dahil sa nawala si Queen at nag-aagaw buhay ang mahal ko ngayon. Bakit nangyayari ang mga to?

Inihiga ko sya sa lap ko.

Nakapikit sya ngayon at naghahabol ng hininga. Nararamdaman ko rin ang daloy ng dugo nya. Napasabunot ako ng buhok kasabay ng pagpatak ng likidong kanina ko pa pinipigil. Takte, kung saan malalim na ang nararamdaman ko sa kanya saka pa sya mawawala. Hindi ko na kakayanin yun. Sobra na ang nangyayari ngayong araw.

"Hold on.. please." humigpit ang hawak nya sa braso ko. Alam kong kumakalat na ang chemical ng balang tumama sa kanya.  At alam kong sumasakit na ang katawan nya dahil sa tumamang bala sa kanya. Hindi ko alam pero anytime pwede na syang bawian ng buhay. Pwedeng pwede na sya mawala sa akin.

Pinunasan ko ang pisngi ko at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit. Kahit ako na lang ang mawala. Wag lang sya, kasi kung ako makakahanap pa sya ng ibang buhay pero pag sya ang nawala..h-hindi ko kakayanin. Hindi magbabago yung fact na sya ang mahal ko. Sya ang una at huli kong makakasama sa buhay ko. Sya lang ang pinangarap ko ng ganto.

"M-mama." sabi nya at huminga pa ng malalim. "Shhhh.." sabi ko at hinaplos ang buhok nya. Pinunasan ko ang dugong nasa gilid ng labi niya gamit ang labi ko. "D-don't leave me." please. Please Aisha nagmamakaawa ako. Kahit alilain mo ako, kahit hindi mo ako mahalin pabalik. Basta wag ka lang mawala. Desperado na ako. Desperado na akong mabuhay kahit alam kong pinipilit mo lang ang sarili kahit wala ng pag-asa.

"S-si Mama.." hinalikan ko ang noo nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, gulong-gulo ang utak ko. Una, ang gago ko dahil hindi ko nahuli ang nakabaril sa kanya. Nabaril ko siya, yung lalaking yun pero nakatakas din sya. Ang matindi pa nun, wala akong ginawa!! Takte. Wala akong kwenta! Nakakainis.

"Aisha! Wag kang mamatay!" sigaw ni Kit habang mas binilisan ang pagdrive. Kinakabahan na sya sa maaaring mangyari.

Anytime pwede ng mawalan ng heiress ang Mendez.

Naiwan sila Lex para hanapin ang lalaking yun. Pati pala yung kambal nandun rin. Ano bang ginagawa nila dun? Tsk. Bakit saulo na nila ang pasikot sikot sa hall at alam nilang may nakabantay na camera sa bawat dadaanan nila?

Takte. Impossibleng mangyari yun.

--

Nakarating kami at agad kaming sinalubong para kunin si Aisha at dalhin sa O.R.

Gustong gusto kong pumasok para tignan ang kalagayan nya pero bawal. Napaupo na lang ako at napatingin sa damit kong may mantsa ng dugo. Biglang pumatak ang likido sa mata ko. Nakakafrustrate. Ang sakit.

Bakit kailangan ngayong birthday ko pa? Ang gandang regalo naman para sa akin to. Haha. Ang sakit. Hindi na nga nya nasuklian ang pagmamahal ko at marinig na ang tunay na nararamdaman ko mawawala pa sya. Bakit kailangang ganto ang mangyari sa akin? Bakit ko kailangan maranasang umiyak at magmakaawang wag nya akong iiwan. Pinunasan ko ang luhang tuloy-tuloy na dumadaloy sa mukha ko. "Alam mo, kung iiyak ka ng iiyak dyan at hindi babalik sa hall di mo talaga makakamit ang hustisya ni Aisha pati ni Mama Scarlette. Trace, lahat tayo mawawalan kaya kumilos ka. Ikaw ay isang successor ng Montero, pinakamalakas na Apprentice ni Mama at pinakamagaling na leader na leader na nakilala ko tapos iiyak ka lang sa pinsan kong nag-aagaw buhay? Wag kang tanga. Bumalik ka dun, ako na ang bahala dito." napatingin ako sa kanya.

Tumayo ako at tinapik sya.

Tama sya. Hahanapin ko kung sino mang lalaking yun. Ako mismo ang kailangang magpadugo sa buo nyang katawan. At sisiguraduhin kong madudurog pati kaluluwa nya.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon