Chapter 22

5 3 0
                                    

Laglag ang balikat ko nang lumabas ako ng gate. Nakasalubong ko kaagad si Chad na naghihintay na pala sa akin. Sumakay na ako sa kotse niya dahil bibisitahin namin si Tyron.

"Oh, ba't parang ang lungkot mo, Ligaya?" Puna sakin ni ugok.

"May nangyari kasing malas eh. Nakakainis!" Sabi ko at marahas na umirap sa hangin.

"Grabe, nakakatakot ka namang mainis." Halakhak niya pero napatigil din nang tignan ko siya ng masama. "Ano ba kasing nangyari, ah?"

Napabuntong hininga ako. "Napahiya kasi ako kanina ng prof dahil nakatulala ako sa klase niya. Hindi ko naman sinasadya iyon at agad din naman akong nag-sorry. Pero kung ano-ano nang pinagsasabi niya sa akin. Naiinis nga ako dahil nakakainsulto ang mga 'yon at napapahiya ako sa mga kaklase ko." Sumbong ko na parang isang bata.

Tumango-tango siya. "Tapos?"

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa mga sinabi niya sa akin. I can't believe him! Hindi ako makapaniwala na sa simpleng pagkatulala ko eh, pag-iisipan niya na kaagad ako ng ganun. Sinigawan ko tuloy siya at sinagot-sagot." Dagdag ko.

Sabihin niya ba naman kasi sa akin na 'Kaya ka nakatulala kasi iniisip mo 'yung boyfriend mo! Hindi ka nakikinig sa akin, ang dami-dami ko nang itinuro at lahat! Tapos nakatulala ka lang diyan?! Eh, kung mag-aral ka muna bago lumandi?!'

"Tapos?" Tanong niya ulit.

Napakunot ang noo ko. Ewan ko kung inaasar niya na ba ako sa tanong niyang 'yon, o gusto niyang ipagpatuloy ko ang pagkukwento.

In the end, I just continued to tell him what happened.

<<<<<<<( flashback )<<<<<<<

Hindi ko maiwasang isipin si Tyron dahil ang tagal niyang magising. At palagi pang nagka-komplikasyon ang kalagayan niya sa hospital. Nag-aalala na ako sa kanya dahil ang dami niya nang na-miss na quizzes at hindi pa siya nakapag-take ng prelim.

"Miss Dela Cruz! You're zoning out in my class! Do you want to go out?" Nagulat ako sa biglaang pagtawag ni Sir Aji.

Lagot na ako, terror pa naman 'tong prof na 'to.

Agad akong napatayo. "I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya. Hindi na po ito mauulit." I politely said, I even bowed my head.

Pagak siyang tumawa sa sinabi ko. "Excuse me, Miss Dela Cruz? Inamin mo pa talaga, ha? I was only guessing!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang tanga naman neto. "Sorry po, Sir."

"Mind sharing us what you're thinking about? Miss Dela Cruz?"

Napailing ako. "Sorry, Sir but it's too private. I'll just keep it to myself and again, I'm sorry for zoning out."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kaya ka nakatulala kasi iniisip mo 'yung boyfriend mo! Hindi ka nakikinig sa akin, ang dami-dami ko nang itinuro at lahat! Tapos nakatulala ka lang diyan?! Eh, kung mag-aral ka muna bago lumandi?!"

I was shocked with his sudden remark. Napapahiya na ako sa mga sinasabi niya kahit hindi naman totoo. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga kaklase ko! Nakakainis siya, ah? Akala mo naman maganda siyang bakla, eh hindi naman! Iniripan ko siya kaya nagulat siya sa ginawa kong 'yon.

"Sorry not sorry, Sir Aji but what you just said to me is euphemestic. You judged me too quickly that you even have the guts to ask what I'm thinking about. At sinabi ko pong hindi pwede dahil masyado pong pribado. Pero nagalit ka pa rin po sa akin at pinag-isipan mo na po kaagad ako ng masama. For your information, Sir, wala ka pong karapatan para tawagin at insultuhin akong 'malandi', pati rin ang iba mo pa pong estudyante." I said and I even emphasized the word 'po'.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon