"15 years of Death anniversary, Macy." Ani Tita Bel at sinindihan ang kandila sa puntod ng anak niya.
Nandito kami ngayon sa sementeryo at syempre, sumama na naman sa amin si Chad. Natapos na rin ang prelim namin noong Biyernes. Lunes kasi ngayon at wala kaming pasok dahil undas. Ang bilis nga ng oras, eh.
Si Macy ay ang magiging anak sana ni Tita Bel pero sa kasamaang palad ay maaga siyang kinuha sa mundo. Pinapanood ko lang si Tita Bel na nagkukuwento sa puntod ni Macy. Nakakalungkot lang kasi mag-isa na lang si Tita sa buhay niya. Iniwan siya ng asawa niya at namatay ang anak niya. Muntik pang itakwil siya noon ng pamilya niya.
Pero kahit ganun, patuloy pa rin siyang lumalaban. Hindi niya tinapos ang buhay niya. I'm so proud of her, such a strong woman.
"Hey, what are you thinking? May problema ka ba?" Puna sa akin ni Chad.
At saka nga pala, naahitan na niya ang balbas niya. Masyado siyang nainsulto sa sinabi ko na mukha na siyang Mang Kepweng. Eh sa wala na akong mailarawan sa kanya eh.
Nandito kasi kami sa may puno at nakaupo sa bench. Medyo malayo sa pwesto ni Tita Bel. Hinayaan na muna kasi namin siyang mapag-isa.
"Wala iyon. At saka nga pala, wala ka bang dadalawin na puntod ngayon?"
Napangiti siya. Pero hindi yung ngiti na katulad ng dati. Yung ngiting pilit. Ano kaya problema nito?
Napabuntong hininga siya. "Meron naman."
"Meron pala, eh. Ba't di mo dalawin? Baka magtampo iyon sayo at multuhin ka."
He chuckled. "She won't do that."
She? So, babae? Sino kaya iyon? Baka naman ex niya iyon.
"Sino ba kasi iyon?"
"Wala."
"Sabihin mo na. 'She' sabi mo kanina, kaya babae iyon. Who is it?"
"Oo na, mapilit ka eh. It's none other than but my real mom."
I was shocked when he said that. "Ang ibig mong sabihin, anak ka ng tatay mo sa ibang babae?" Maingat kong sinabi. I don't know what word or how to say it properly.
Nagtaka ako nang tumawa na naman siya. "No. Legal ako, actually lahat kaming magkakapatid. It's just that my dad loved another woman right after 2 years after my mom died."
Wew. Akala ko pa naman kung ano na eh.
"Is it okay with you?"
"Well, at first it's not but later on I understand."
"Ah, okay. Dalawin kaya natin yung puntod na sinasabi mo. Nandito rin ba siya nakalibing?" I asked and he nodded.
"Sige, tara." Aniya at biglaan akong hinila sa kung saan.
*****
Malayo-layo ang puntod ng nanay niya mula sa puntod ni Macy kanina. Nasa pinakadulo kasi, malayo sa entrance at exit. Tinignan ko ang puntod ng mama niya. Malinis at maayos pa rin naman iyon.
Amelia Charisse C. Verzola
"Hey mom, how are you? Sana ayos lang po kayo diyan sa taas? O baka nasa baba ka na niyan? Joke lang po, mom. Baka multuhin mo ako eh. Good boy na rin kaya itong anak mo." Ani Chad pagdating namin. Hinayaan ko lang siya para magkaroon siya ng privacy para makapag-usap naman sila ng mom niya.
"Halika dito, Ligaya. Ipakilala kita sa kanya." Aya ni Chad sa akin.
"Ako? Bakit?" Tanong ko pero lumapit na lang din. Hinawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
Romance"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]