Chapter 8

18 7 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nang pumunta kami ni Chad sa beach resort. Wala pa ring pinagbago ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Tungkol sa panliligaw niya? Ayun, pursigido pa rin niya akong nililigawan.

"Zoey, ikaw na bahala sa chapter 2. Just send it to me through my e-mail. Okay?" Sabi sa akin ni Jess. Tumango na lang ako.

Haaaysss, thesis.

"Ano ba yan? Panibagong thesis na naman!" Reklamo ko nang makalabas na kami sa classroom.

"Sinabi mo pa Sis! Nakakainis naman kasi si Sir Benedict. Pasalamat siya dahil cute siya." Sabi ni Tyron. Kahit kailan talaga.

"Puro ka na lang gwapo. Alam mo yun?"

"Sabi ko cute lang si Sir Benedict, hindi gwapo. Kaya incorrect ka diyan, Sis." Inirapan ko siya. Baklang kabayong 'to.

"Sis, tutal larga naman na natin kain tayo ng street foods. May nagbebenta dun sa tapat. Tara!" Aya ni Tyron kaya sumama naman ako.

Matagal-tagal din naman akong hindi nakakain niyon. Bahala na muna si Chad na maghintay sakin. Ihahatid niya kasi ako.

"Nagutom ako bigla, Sis." Sabi ko kay Tyron nang makita ang tinda ni Aling Nena.

Si Aling Nena ang nagtitinda. Ang dami niya kasing tinitindang fishball, kikiam, kwek-kwek, siomai, siopao at may isaw pa! Paborito ko kaya ang isaw. May gulaman at buko juice pa siya.

"Anong sayo, Sis?" Ani Tyron.

"Limang isaw saka isang gulaman. Sayo?"

"Limang siomai, tatlong stick ng kikiam at fishball. At saka isang siopao at buko juice lang."

Gulat akong napatingin sa kanya. "Ni-'lang' mo pa talaga yon? Ang takaw mo!" Nag-piece sign lang naman siya sa akin.

"Nakaka-stress kasi, Sis! Kailangan ng pagkain."

Nang makabili kami naisipan naming tumambay muna sa gate ng school. Worth it ang binili ko dahil ang sarap ng isaw!

"Hinay-hinay lang sa pagkain. May dumi tuloy sa gilid ng labi mo. Kadiri ka, Sis." Ani Tyron at pinunasan ang gilid ng labi ko. Hinayaan ko lang naman siya dahil busy ako sa pagkain.

"Eww... Kadiri." Pinunasan niya ang kamay niya at nag-alcohol pa.

Feeling talaga 'tong baklang kabayong 'to. Wala naman akong rabies. At mas lalong hindi ako aso.

"Ang arte mo, bakla." Irap ko. Inirapan niya rin naman ako.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kaya kita hinahanap." Gulat akong napatingin sa nagsalita. Si Chad na naman pala.

"Alam mo para kang kabute. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Nakakagulat ka." Ani ko. Nginisian niya lang ako.

"Tara na, uwi na tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin pa siya kay Tyron at ngumisi. "Saka, Ligaya, pwede ba sa susunod huwag kang sumama sa kung sino-sino diyan." Saka niya ako hinila paalis.

Ano bang problema ng ugok na 'to? Bakit parang inaaway niya si Tyron. Wala namang ginagawang masama sa kanya. Sinasapian na naman siguro 'to. Agad ko siyang binatukan pagkasakay namin sa sasakyan.

"Ouch! What was that for!? Ang sakit mong mambatok." Hinimas niya ang batok niya.

"Ang OA mo. Bakit mo ba inaaway si Tyron? Wala naman siyang ginagawa sayo, ah?"

"Sa akin wala pero sayo, meron." Napakunot ang noo ko. Ano daw? Binatukan ko ulit siya. "Aray!"

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon