Chapter 18

6 3 0
                                    

"His ribs are fractured and there are bruises on his body. You don't have to worry much about the bruises because they are only minor. Pero ang problema lang natin ay nabaril siya malapit sa puso niya..."

Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinabi ng doktor. Napahilamos na lang ako sa frustration at napaupo. Basta isa lang ang alam ko, binaril at binubog si Tyron. He's in a coma.

Napangiti ako ng mapait.

New year na new year pero ito agad ang sumalubong sa akin? Pagkagising na pagkagising ko pa, ah! Bad news! Bad news kaagad! Kanina pa ako nagtitiis na sumabog sa galit. Nagagalit ako sa taong may gawa nun kay Tyron. Wala manlang kalabang-laban si Tyron at isa pa! Inosente siya!

The year just started but it's already testing me...

Ilang sandali pa, nararamdaman ko ang marahang pagtapik ni ate Tessa sa likod ko. Siya ang ate ni Tyron, siya rin ang tumawag sa akin. Samantalang ang mga magulang ni Tyron ay kausap pa ang doktor.

"Zoey, salamat nga pala dahil pumunta ka dito ngayon. Pasensya na dahil naabala pa kita." Sabi ni ate Tessa.

Napabuntong hininga lang ako. "Wala 'yon ate Tessa. At saka kaibigan ko si Tyron, nag-aalala ako sa kalagayan niya."

Hindi ko lubusang maisip kung bakit nabugbog at binaril si Tyron? Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang kaaway, ah? Except sa pamilya niya dahil may issue sila. Wala pang nakakapagsabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Kung paano at bakit ito nangyari kay Tyron.

O baka naman...

Hindi. Napailing ako sa naisip ko. Hindi, hindi naman siguro nila 'yon magagawa ano?

"Ate Tessa, if you don't mind, what really happened?" I asked. Punong-puno ako mg mga katanungan at uhaw na uhaw sa mga kasagutan.

Hindi nakaligtas sa akin ang saglit na pamumutla ni ate Tessa. Napalunok siya at hindi makatingin sa akin nang sumagot.

"H-Hindi ko alam... Hindi ko a-alam, Zoey..." Sabi niya at dali-dali na sanang aalis pero nahawakan ko ang kamay niya.

Napatingin siya sa akin dahil dun. "No, you're not going anywhere. Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko."

Umiling siya. Fear is already visible in her face. "I'm s-sorry but I really d-don't know."

Hindi ako naniniwala sa kanya. Kaya hinila ko siya palayo sa mga magulang niya. Alam kong may tinatago sila, alam ko iyon. Dinala ko siya sa likod ng hospital, tama lang iyon dahil walang masyadong tao.

"Kailangan kong malaman ang totoo. May kinalaman ka ba? May kinalaman ba kayo sa pagka-ospital ni Tyron?" Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan.

Napalunok siya. "Zoey, h-hindi ko nga alam. Totoo, h-hindi ko talaga a-alam, eh..."

"T*ngina! Alam kong may alam ka tungkol doon kaya sabihin mo na! Ate Tessa! Kapatid mo siya, okay?! Hindi kung sino lang!" Inalog ko ang balikat niya.

Umiling-iling siya, nagawa niya pa akong itulak pero mahina lang. "Hindi ko nga alam! Bakit b-ba ayaw mong maniwala?!"

"Huwag ka nang magsinungaling! Sabihin mo na sa akin!"

"No! Hindi... H-Hindi..." Iling niya at tinakpan ang magkabilang tainga niya.

Lumapit ako sa kanya dahilan para mapaatras siya. "Sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari. Please, kaibigan ko siya at kapatid ka niya." Pakiusap ko pa.

Napaatras lang lalo siya sa akin. "Hindi ko nga a-alam! Inosente a-ako! Hindi ako ang may g-gawa niyan sa kanya! Please rin, m-maniwala ka sa akin..." Sunod-sunod nang tumulo ang luha niya pagkatapos niya iyong sabihin.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon