Chapter 1

46 19 4
                                    

( THREE YEARS LATER )

"Lola, saan po ang daan papunta dito?" Tanong ko sa lola sabay pakita sa papel kung saan nakasulat ang address. Naliligaw na kasi ako.

Tiningnan naman iyon ng matanda. "Hmm... kita mo yung kantong iyon." Turo niya doon. Tumango naman ako. "Pumunta ka doon at may makikita kang sari-sari store. Doon sa kanila ka magtanong. Dahil hindi ko alam iyan." Sabi niya at agad na umalis.

Napanganga na lang ako sa inasta niya. Nasayang lang ang laway ko sa pagtanong sa kanya. Laglag balikat akong pumunta doon sa sari-sari store na sinabi ng matanda.

After three years, ngayon lang ulit ako nakapunta dito sa Manila. Kaya ganun na lang ang pagka-ligaw ko. Dito kasi ako mag-aaral ng kolehiyo at sa bahay ng Tita Bel ko ako manunuluyan. Magkapit-bahay sila ng kapatid niya, na ama ni Kuya Jhoreo.

Pagdating ko sa sari-sari store, bumili muna ako ng tubig dahil kanina pa ako uhaw na uhaw. At syempre tinanong ko na rin ang tindera kung saan ang daan patungo sa bahay ng pinsan ko na kilala pala ng tindera.

"Diretso ka lang, ineng. Tapos kumaliwa ka at may makikita ka ng gate na kulay gray. Doon na iyon." Sagot ng tindera.

Napangiti naman ako. May napagtanungan din akong matino. Agad akong nagpasalamat at sinunod ang sinabi niya. Habang naglalakad, may naramdaman akong tubig na pumatak sa pisngi ko. Nagsisimula nang bumuhos ang ulan.

Agad akong sumilong at nilabas sa bag ko ang payong. Binuksan ko iyon at nakapayong naglakad sa gitna ng malakas na ulan. Basang-basa na kaagad ang suot kong damit at ang bagahe ko. Dapat kasi nagpasundo na lang ako, eh. Pero kahit na magpasundo ako, hindi pa rin nila ako masusundo kasi coding ang sasakyan ni Kuya.

Malas...

"Anak ng malas!" Napaigtad ako sa gulat nang may bumusinang sasakyan sa likod ko. Sino ba ang lokong nagbusina ng sasakyan na iyon!?

"Sumakay ka na!" Sabi ng lalaki sa akin nang nilingon ko. Nakasilip siya sa akin mula sa bintana ng kotse niya.

Una kong napansin ang dimple niya sa kanang bahagi ng baba niya. Parang pamilyar sa akin iyon, ah? Hindi ko na lang pinansin.

"At bakit? Sino ka ba?" Kunot noong tanong ko.

Alangan namang makisabay ako sa kanya, hindi ko naman siya kilala. Baka kung saan niya pa ako dalhin. No way!

Ngumisi siya sa akin at napailing-iling. "Basta. Sumakay ka na, kawawa ka pa diyan. Mukha ka ng basang sisiw."

Ay, ang sama.

Napatingin naman ako sa sarili ko. He has a point. Mukha naman na talaga akong basang sisiw. At saka, parang pamilyar ang paraan ng pag-ngisi niya, ah? Di bale na lang.

"Paano naman ako makakasiguro, ha? Hindi naman kita kilala." Asik ko.

"You know what? Just get in." Tila nauubos na ang pasensyang sabi niya. Pero umiling ako. I don't even know him at baka saan niya pa ako dalhin.

"No." Tinalikuran ko siya at nag-umpisa nang maglakad. Pero sinusundan niya ako gamit ang kotse niya.

Ang kulit.

"Di ba, kina Maribel Dela Cruz ang punta mo?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Doon nga ako pupunta. "Paano mo nalaman?"

"Kapit-bahay siya ng kaibigan ko at kaibigan ko rin siya. Ano? Sumabay ka na o kailangang pagbuksan pa kita?" Sabi niya. I mentally rolled my eyes.

Ilang segundo pa akong tumitig sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi. Baka kasi niloloko niya lang ako.

"Ano? Sasakay ka ba o hindi? Nababasa na ang upuan sa loob ng kotse ko, oh." Reklamo pa niya. Ang arte, ha?

I have no choice but to get in his car. May kalayuan pa kasi ang bahay nina Kuya sa kinaroroonan ko kaya mapapatagal ako.

Agad niyang sinarado ang bintana ng kotse niya nang makasakay ako. May kinuha siyang bag mula sa backseat. May kung ano naman siyang hinahanap doon.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko.

"Pantakip diyan sa katawan mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Bakat na kasi ang itim mong bra." Patuloy pa niya.

Naramdaman kong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Kaya agad kong hinila ang buhok niya. "Bastos!"

Imbes na mainis, natawa lang siya. Pinasuot niya sa akin ang kulay blue niyang hoodie. Agad ko naman iyong sinuot at naaamoy ko pa ang bango niyon.

In fairness, ang bango, ha? Ano kayang pabango niya? Parang gusto ko din. Hindi masyadong mabango, sakto lang ang amoy.

"Dahan-dahan lang ang pag-amoy. Baka maubos mo ang bango ng hoodie ko na suot mo." Nakangising sabi niya at nagsimulang magmaneho.

"Huwag ka ngang feeling diyan. Hindi ko kaya inaamoy." Tanggi ko.

Weh? Sigurado ka, Zoey? Parang kanina lang pinuri mo ang pabango niya, ah.

"Okay, sabi mo eh." Sabi niya at napairap pa sa kawalan.

"Alam mo, ang yabang mo." Inirapan ko siya.

"Grabe ka naman sa akin. Ikaw na nga itong in-offer na ihatid sa pupuntahan mo eh. Ikaw pa itong galit."

"Hindi ako galit. At saka, sino bang makulit na ayaw tumigil sa kapipilit, ha?"

"Ewan ko. Sino nga ba? Kilala mo ba?" Kinamot pa niya ang ulo niya at lumingon-lingon pa siya sa paligid na parang may hinahanap.

Mukha siyang timang.

"Ang sarcastic mo."

"Ikaw din naman. Ang sungit mo."

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Napansin niya naman iyon at pinatay ang aircon ng kotse niya at saka in-on ang music player.

"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?

Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?..."

Napapasabay siya sa beat ng kanta. Nang doon na sa part ng chorus, napapakanta na siya at napapa-headbang na.

Napatingin siya sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. "What? Ang ganda kaya ng kanta."

I shrugged my shoulders at binaling na lang ang paningin sa bintana.

Natawa siya. "Bakit? Ayaw mo ba ng kanta?"

Umiling ako. "I'm an E-head stan."

"Yun naman pala, eh! Sabayan mo na ako. Hayan na, malapit na ang chorus." Sinenyas niya pa ang kamay niya sa akin. "Three, two, one."

"At asahang iibigin ka... Sa tanghali, sa gabi at umaga. Huwag ka sanang magtanong at magduda. Dahil ang puso ko'y walang pangamba. Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya..." Sabay naming kanta.

Natawa na lang kami dahil mukha kaming baliw kung sakaling may makakita sa amin. Napatingin ako sa bintana. Nakita ko na mula sa di kalayuan ang kulay gray na gate na sinabi sa akin ng tindera kanina. Sa wakas, at nahanap ko na.

"Thank God, I'm finally here..." Mahinang sambit ko.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Pinaparada niya ang kotse sa gilid ng gate. Nang matapos niyang paradahin, pinatay niya ang makina at napatingin siya sa akin.

"Aren't you going to thank me?"

"Ay, oo nga pala. Salamat nga pala, uhm..." Napakunot ang noo ko. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya. "I still don't know your name."

He chuckled. "Silly. Ganun ba talaga katagal ang tatlong taon para hindi mo ako maalala o kahit ang pangalan ko manlang?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Tatlong taon?

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

Nginisian niya ako at kinindatan. "Naalala mo na?"

The way he did that, reminds me of someone. Wait, is he... Chadler?

"It's nice to see you again after three years, Zoeyalla Joy Dela Cruz." Nakangiting sambit niya.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon