Chapter 12

11 3 0
                                    

"Tita Bel, ano pong magandang iregalo sa lalaki?" Tanong ko kay Tita Bel.

"Huh? Regalo? Bakit naman? Para saan? Para kanino? Anong meron?" Sunod-sunod niyang tanong.

Grabe naman itong si Tita, ang daming tanong.

"Ah, basta! Ano po ba?"

"Hmm, sa tingin ko regaluhan mo na lang siya ng damit. O 'di kaya cap or shoes! Ay, relo na lang kaya 'no? Shorts na lang pala. Ano ba sa tingin mo?"

Napa-facepalm na lang ako. Haaaysss. Walang matinong sagot naman itong si Tita. Ang daming sinabi, eh isa lang naman ang kailangan ko.

"Tita, huwag na nga lang po. Sa iba na lang ako magtatanong." Sabi ko at umakyat na kaagad sa taas.

Mahirap na, baka intrigahin niya ako. Kung ano-ano na naman ang itatanong niya sakin. Tsk.

Nahiga ako sa kama at naisipan kong tawagan na lang si Tyron. Agad naman niya iyong sinagot.

[Ano na naman ba kailangan mong babae ka? Panira ka ng tulog, eh!] Aniya sa kabilang linya.

Ang aga namang matulog ng kabayong 'to. Anong oras pa lang eh.

"Sorry naman, baklang kabayo ka! Akala mo naman gusto talaga kitang tawagan."

[Aish, ano ba kailangan mo?]

"Magtatanong lang sana ako sayo. Ano bang magandang iregalo sa lalaki?"

[Huh? Regalo? Para kanino naman? Para saan? Bakit naman? Ano bang meron?]

Tingnan mo, ang dami ring tanong. Parehas sila ni Tita Bel. Tsk.

"Basta. Just give me suggestions."

[Para kay Chad iyan, 'no? Ayieeee... Luma-lovelife na si Sis! Oh, my gosh! Sana all!] Tili niya.

Napalayo ko tuloy ang cellphone sa tainga ko. Grabe, ang sakit sa tainga.

"Ma-issue kang, baklang kabayo ka. Basta sagutin mo na lang ang tanong ko."

[Yieee... Ayaw mo lang umamin, eh. Kayo na siguro 'no?]

Napairap na lang ako. Kailan niya kaya sasagutin ang tanong ko? Haaaysss.

"Walang 'kami' at huwag kang ma-issue. Alam mo, sagutin mo na lang ang tanong ko."

[Okay, okay Sis. Hmm, let me think.]

"Wow, hindi ko alam na may isip ka pa pala." I mocked. Narinig ko naman siyang tumawa.

[Sis, sa tingin ko regaluhan mo na lang siya ng shorts.]

Napakunot ang noo ko. "Shorts? Bakit naman?"

[Kung ayaw mo naman ng shorts, boxers na lang.]

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi ni Tyron?

"Huh? Ano namang kinalaman ng boxers? At saka, bakit boxers?"

[Hihihihi... Wala lang, baka kasi malaki yung ano niya... yung, hihihi...]

Napasimangot na lang ako. Ano ba namang klaseng suggestion iyan? Ang manyak mo talagang kabayo ka!

"Alam mo, Ty? Wala ka talagang kwentang kausap!" Sabi ko bago pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko ba naman kasi naisip na tawagan si Tyron at manghingi ng suggestion niya? Eh, puro kalokohan lang naman ang nasa isip niya.

I heard a knock on my door. "Zoey, pahiram nga muna ng charger mo." Si Kuya lang pala.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Kinuha ko na rin ang charger ko. Ibibigay ko na sana sa kanya nang naisipan ko siyang tanungin. Besides, he's a guy too.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon