Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman eh. Tila napako lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga iyon. Paano niya nagawa sakin 'yon?
Did they just played at me? Niloloko lang ba ako ni Chad all this time? Everything that he had shown and done to me....
That's all a lie?
"Z-Zoey... I can explain, please." Lalapitan sana ako ni Chad pero umiwas ako.
I felt my tears started rolling down on my cheeks. Naging mabilis ang bawat paghinga ko. Gustong-gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan pero bakit ang hirap gawin? Ang sakit-sakit na malamang niloloko ka lang pala. Pinagpustahan ka pa! Ganun ba kababaw ang tingin nila sa akin?!
I gave everything to him. I f*cking shared my problems to him! I opened up to him! I even shared my f*cking secrets and happiness with him!
Why?!
"Zoeyalla, please... I'm so s-sorry. Let me explain—" I shoved his hands away when he tried to touch me.
"Don't. You. Ever. F*cking. Talk. Or. Touch. Me. Again." I said with authority.
Nanlambot ako nang makita ang pagmamakaawa at lungkot sa mata niya. "P-Please... Zoey, just l-listen to me."
I gave him a deadly glare. "I've heard enough. From this day, there's no longer an 'us'. Wala na 'tayo', tapos na 'tayo'." Pinagdiinan ko pa ang salitang 'tayo'.
"Zoey, please listen to m-me..." He tried to look at me directly on my eyes pero umiwas ako.
"Listen to you? After what you had done to me?! Matapos mo akong lokohin, pagpustuhan at gaguhin?! T*ngina naman, Chad oh! G*go ka talaga!" Sigaw ko at sinampal siya.
Iyak lang ako ng iyak habang pinapalo-palo siya. Hindi siya umilag, hindi siya umiwas. Nakatungo lang siya at tinatanggap ang bawat palo ko sa kanya. Kaya mas lalo lang ako nasaktan.
Hinang-hina akong umiwas sa kanya. Napaupo ako dahil sa panghihina. Ang sakit na...
Lecheng pag-ibig 'to, oh.
"Please... I'm sorry—"
"Lecheng pag-ibig 'to! W-Wala na 'tayo'! Kaya wala ka na dapat pang ipaliwanag sa a-akin! Sapat na ang narinig ko! Tama na, okay?!" Sigaw kong muli at winaksi ang kamay niya nang hahawakan ako.
"Z-Zoey, sorry..."
Sinamaan ko nang tingin si Mathy. Isa pa 'to eh. All this time, niloloko lang pala ako?! Hindi ako makapaniwala! Lahat! Lahat sila niloloko ako! Ako naman itong tanga na nagpaloko!
"Isa pa kayo! Mga g*go!" I raised my middle finger as I dashed off the door.
Halos hindi ko makita ang dinadaanan ko dahil sa pesteng luhang 'to! Bakit kasi ayaw tumigil?! Ang tanga ko kasi eh! Ang tanga-tanga! Ang bilis kong maniwala! Ang bilis kong umasa! At ang bilis kong magmahal! Kahit kailan hindi na ako natuto! Kung sino-sino na ang nababanggaan kong estudyante dahil tumakbo na ako. Basta takbo lang ako ng takbo. Wala na akong pakielam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao.
Hindi ko alam kung papaano o bakit basta namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng hospital room ni Tyron. Hindi ko alam kung papaano ko nakayang magpara ng taxi at makapunta dito habang umiiyak. Pesteng luha! Huwag mong iyakan ang g*gong 'yon!
Walang katok-katok kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan kong nagbabasa si Tyron at siya lang mag-isa. Nagulat siya nang makita ako at mas lalo siyang nagulat nang makitang umiiyak ako. Mas lalo tuloy akong napaiyak kaya lumapit ako sa kanya at niyakap.
"Oh my gosh, Sis. Anong nangyari sayo? Why are you crying? Hey... Shhh... Nandito lang me, ah?" He said as he tapped my back.
"Tyron... Si Chad k-kasi eh..." Hikbi ko.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
Romance"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]