Chapter 15

8 3 0
                                    

Minsan, ang sarap lang talagang manapak ng mayor.

Bakit?

Kung kailan nakarating na ako sa room at nakaupo na, saka lang in-announce na wala nang pasok!

Sino ba namang hindi maiinis, 'di ba?

Hustisya naman para sa amin!

Naiinis din ako sa sarili ko. Paano ba naman kasi? Nakalimutan ko yung payong ko sa loob ng kotse ni Kuya. And I also forgot to charge my phone! Ang malas naman, oh.

"Sis, may umbrella kang dala?" Tanong ni Tyron. "Borrow ko naman, oh, please?"

I rolled my eyes at him. "Kita na ngang wala 'di ba? Badtrip, ang lakas ng ulan."

Nandito lang kami nakasilong sa engineering building. Hindi kami makaalis-alis dahil walang payong. Malas...

"Ligaya!" Narinig kong tawag ni Chad. Sino pa nga ba?

Nakita ko siya na papalapit sa amin. Buti na lang at may dala siyang payong. Wew. Good thing he brought one.

"Halika na, alis na tayo." Sabi niya at kinuha na ang bag ko. Nagtataka pa nga ako kung bakit kunot na kunot pa ang noo niya. Bakit kaya?

"Sis! I mean, uhm, Zoey. Pwede bang makisabay? Kahit hanggang doon lang, there sa may sa gate." Si Tyron. Akmang sasagot na ako nang inunahan ako ni ugok.

"No way. Sa iba ka na lang makisilong. Pangdalawahan lang 'tong payong ko."

Inirapan ko nga. Ang laki talaga ng galit niya kay Tyron. Eh wala namang ginagawa sa kanya.

"Ay, ganun ba fafa— uhm, Chad? Okay then, sa iba na lang..." Mukhang natatakot na sabi ni Tyron.

"Sige, bye na Sis— uhm, Zoey!" Paalam niya at nagmamadaling umalis.

Problema no'n?

"Sige. Text-an mo ako!" Sigaw ko dahim nakalayo na siya.

"Let's go." Chad said coldly. Hinila na naman niya ako nang walang pasabi-sabi.

Nang makasakay na kami sa sasakyan niya agad ko siyang binatukan.

"Ouch, Ligaya. Ang sakit naman. Ba't ka ba nambabatok? What's your problem?"

Inirapan ko siya. "You! What's your problem? Ang sama-sama mo kay Tyron."

"I'm jealous..." Kamot-ulong sagot niya at napaiwas ng tingin.

Hindi ko tuloy maiwasang pagtaasan siya ng kilay.

Nagseselos?

I can't help but to laugh. Sa ang dinami-dami ba namang lalaki, si Tyron pa talaga ang pagseselosan niya.

"Why are you laughing? Lagi ka na lang tumatawa kapag pinagseselosan ko si Tyron." Nguso ni Chad at nagsimulang magmaneho.

"Tyron is my friend! You don't have to worry about him and besides, iba ang gusto niya." Sagot ko na lang.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na beklavush, si Tyron dahil nag-promise nga ako sa kaniya.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon