Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at masayang pinagmasdan ang bawat tanawing nadadaanan namin. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta basta nagmamaneho lang si Kuya Oyo. Natutuwa nga ako dahil kumakanta-kanta pa kami. Nagagawa na rin naming makipagbiruan na para bang walang aalis.
Iwinaksi ko na lang muna ang isipang iyon. Dapat magpakasaya na muna ako. I need break from everything! And roadtrip is the key to stress free!
"Maybe, sometimes we got it wrong... But it's alright... The more things seem to change... The more they stay the same..." Masayang kanta naming apat. Wala na kaming pakielam kung pangit ang boses namin basta masaya kami.
"Girl, put your records on... Tell me your favorite song... You go ahead let your hair down..." Kanta ni Kuya Oyo. May pakulot-kulot pa ng boses siyang nalalaman.
Sinenyasan niya naman ako para kumanta kaya sumabay na lang ako. "Sapphire and faded jeans... Go ahead and chase your dreams... Just go ahead and let your hair down..."
Pinalakpakan naman nila ako. Mga isip bata talaga kami. Pati sina mama at tita nadadamay eh.
*****
Isang oras lang ang itinagal ng roadtrip namin. At hindi ko alam kung saang lugar ba itong napuntahan namin. Basta nasa isang burol kami at sa taas niyon ay may puno ng Acacia. Masarap iyong pagtambayan dahil presko ang hangin.
"Ano pang hinihintay mo, Zoey? Halika na!" Yaya sa akin ni mama kaya sumunod ako.
May inilatag na malaking blanket si tita Bel. Si mama naman ay busy sa paghahain ng mga pagkain nang maayos ni tita Bel ang blanket. Saka si Kuya Oyo naman ay kumukuha ng litrato sa tanawin. Habang ako ay nakatulala lang at pinapanood sila.
Para akong tanga.
Wait. Oo nga pala, pinagmukha nga pala akong tanga.
"Halika, insan picture tayo!" Yaya ni Kuya Oyo at sinenyasan akong lapitan siya. Nang makalapit ako ay tinuro niya agad ang pwesto ko at kung ano ang ipo-pose. Iba rin.
"Okay na ba?" Tanong ko dahil nangangawit na ako sa kangingiti.
"Umayos ka nga, insan. Ang pangit mo." Asar niya kaya inirapan ko siya.
"Maka-pangit ka naman... Hoy! Mas pangit ka Alberto Jhoreo!" Ganting asar ko.
"Ay, walang ganyanan... Oyo lang kase, okay? Oyo!"
"Ewan ko sayo Alberto! Bilisan mo na nga diyan dahil nangangawit na ako dito kangingiti! Ni hindi mo manlang ba ako nakuhanan ng maganda?"
"Demanding? Oo na nga! Umayos ka na kasi nangangawit na rin ako, eh."
"Sino ba kasing may sabing picture-an mo ako, ha?" Sabi ko at napamaywang pa. Hindi na siya nakasagot pa at sinimangutan lang ako.
"Zoey! Oyo! Kain na tayo hehe." Tawag samin ni mama kaya pumunta na kami.
Napangiti ako dahil picnic pala ang peg namin ngayon. Mga masasarap na putahe ang mayroon at may wine pa. Naupo ako sa tabi ni mama at eksaktong inabot na niya sakin ang pagkain ko. Nagdasal na muna kami at saka kumain na.
Habang kumakain kami, hindi nauubusan ng kwento sina tita Bel at mama. Dati na silang magkaibigan eh. At nang dahil kay tita Bel din ay nagkakilala sina mama at papa.
"Ay, mare I have kwento." Panimula ni tita Bel.
"Oh, ano naman yun, mare?" Tanong naman ni mama.
"Alam mo si Marites, yung anak niya nakita ko binenta yung mga halaman niya!" Pagbibiro ni tota Bel kaya natawa kami.
"Naku! Paniguradong papagalitan siya! Hahahaha!" Tawa ni Kuya Oyo na sinang-ayunan naman nila.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
Romansa"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]