Sabado ngayon at nasa mall na naman kami ni Chad. Mag-iisang linggo na siyang nanliligaw sakin. Sabi niya tuwing sabado dapat lagi kaming lumalabas. Noong una ay tumanggi ako pero binlackmail niya na naman ako. Sasabihin niyang may 'kami' na sa school kapag tumanggi ako.
Well, what do you expect?
Wala naman kaming ginawa kundi maglaro sa arcade at kumain. Pero masaya naman siyang kasama kahit papaano. Nahawa na nga yata ako sa pagiging ugok niya.
"Ligaya, knock, knock." Sabi sa akin ni Chad.
We're here in Dairy Cream and eating ice cream. At syempre, libre niya.
"Who's there?"
"Winnie the Pooh."
Napakunot ang noo ko. Kalokohan na naman 'to. "Winnie the Pooh, who?"
"BANG! BANG! Winnie the Pooh! MWEHAHAHAHA!" Pakanta niyang sinabi. Natawa na lang ako hindi sa joke niya kundi sa tawa niyang mala-kabayo.
"Heto pa, Ligaya. Knock, knock."
"Who's there?"
"Dahon."
"Dahon, who?"
"Ugh! Dahon-dahon lang. Dahon-dahon lang. HAHAHAHAHA!" Sumayaw pa siya habang pakantang sinabi yun. Natawa na lang din ulit ako. Mukha na kaming baliw dito. Pinagtitinginan na nga kami, eh.
"Last na 'to. Knock, knock."
"Who's there?"
"Banana."
"Banana, who?"
"Pangarap ko aking, sinta... Matawag ako saking bintana... Ika'y nandyan na may hawak na... May handog na banana... BANANANANANANANA! HAHAHAHA!" Tumawa kaming pareho.
In fairness, bumebenta na ang joke niya hindi katulad dati na waley.
*****
Naglalakad kami papunta sa parking lot. Pauwi na kami dahil mag-aalas sais na. Tatlong oras na pala kami sa mall. Nagtataka ako kung bakit nakangisi si Chad at sumisipol-sipol pa. Ano kayang nakain neto? Para siyang baliw eh.
"Hoy, kanina ka pa nakangisi, diyan." Sabi ko nang makasakay na kami sa sasakyan.
"Bakit? Masama ba?" Nakangisi pa ring tanong niya.
"Oo, nagmumukha kang baliw. Tigilan mo nga yan."
Umiling siya. "Masaya ako kasi nakasama na naman kita. At napasaya pa kita."
Umiwas ako ng tingin. Naramdaman kong namula ang magkabilang pisngi ko. Buti na lang madilim na kaya hindi niya nakita. Nakakainis naman siya. Kung ano-anong sinasabi eh.
"Kung ano-ano pinagsasabi mo. Will you just shut up?" Ani ko. Ngumisi lang siya.
"Ligaya, wala ka bang napapansin?" Tanong niya sakin, maya't-maya nang nagmamaneho na siya.
Kumunot ang noo ko. "Ano naman yun?" Imbes na sagutin ang tanong ko, sinamangutan niya ako.
"Grabe ka talaga sakin, Ligaya. Hindi mo talaga napansin?"
"Nope. Ano nga kasi yun?"
"Hay, naku. Magtatampo ako sayo."
"Edi magtampo ka lang. Anong pakialam ko." Bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Ouch! Ligaya, nakakasakit ka ng feelings. You're so, so, so mean." Madramang sabi niya.
"Ang OA mo. Ano ba kasi yun? Why don't you just tell it to me?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
Romance"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]