Iba pala sa pakiramdam kapag harap-harapang sinabi sayo na mahal ka ng isang tao. At parehas pa kayo ng nararamdaman. Si Chad naman kasi eh! Natameme tuloy ako ng wala sa oras kanina.
And we even kissed!
I blushed when I thought about it. Ibang-iba ang feeling yung halikan namin kanina. Buti at hindi niya na binanggit pa. Maybe he thinks that it will be awkward for the two of us.
Pero hindi pa rin ako maka-get over sa sagot niya. Pwede naman niyang sagutin yung tanong ko ng matino eh. Yung hindi nakakapagpabilis ng tibok sa puso! Pwede niyang sabihin na;
"Kaya kita dinala dito dahil maganda yung view.", "Kasi gusto ko lang.", "Kasi gusto kong maligo sa ulan katulad nung ginawa natin kanina". Mga ganun sanang sagot!
Pero si Chad kasi eh wala! Direct to the point niya talagang sinabi na mahal niya ako.
"Ligaya! Tapos ka na ba? Ready na yung dinner natin!" Sigaw niya sa baba.
"Oo, sandali lang!" Sagot ko at lumabas na sa bathroom at nagbihis na. Buti na lang at may damit pa dito si Chad kaya 'yon ang sinuot ko. Yung damit sana ng ate niya pero wala ng naiwan dito, kinuha na.
We're already here at Chad's parents' resthouse. Agad kaming naligo ni Chad sa banyo ng mga kwarto dito. Two-storey itong resthouse nila na medyo maliit. May tatlong bedrooms at tatlong bathrooms. Medyo malapit ang location nito sa forest park na pinuntahan namin kanina ni Chad.
Agad kong naamoy ang lugaw na niluluto ni Chad pagkababa ko. Agad akong naupo at pinanood si Chad na maghain ng pagkain. Naka-apron pa siya, ah.
"Mukhang masarap 'tong lugaw, ah." Sabi ko nang makaupo na siya sa tapat ko.
"Masarap talaga 'yan, ako nagluto eh." Mayabang na sabi niya.
Nagsimula na kaming kumain. At syempre kung ano-ano na naman ang pinagku-kwentuhan namin tungkol sa aliens. Nagtalo pa nga kami kanina, eh.
<<<<<<<( flashback )<<<<<<<
"Totoo nga kasi ang mga aliens!" Pilit niya pa.
Napairap ako bago siya sinagot. "Hindi nga! Kung totoo sila, nasaan ang ebidensya mo?"
"Yung mga documentaries ng History Channel. Hindi pa ba sapat 'yon?"
"Theories lang nila 'yon at wala pa silang concrete evidence na talagang lahat ng tao ay naniniwala. At saka kaunting tao lang ang naniniwala diyan sa aliens na sinasabi mo. So, majority wins."
"Sino ba kasi 'yang majority na 'yan at siya ang nanalo?"
Hindi ko mapigilang matawa. "Majority in tagalog means kadamihan."
Napanguso na lang siya. "Ah, basta totoo ang mga aliens."
"Hindi nga."
"Totoo nga! Meron pa nga akong nakilala eh."
Napakunot ang noo ko. "Sino naman kung ganun?"
"Sino pa ba? Edi sina Oyo, James Brent, Mathy at saka si Luther. Isali na rin natin si Isabelle dahil sa lakas ng tawa niya. HAHAHAHAHA!" Malakas pa na tawa niya kaya natawa na rin ako.
Grabe talaga 'tong ugok na 'to. Pati talaga mga kaibigan niya sinasali pa sa mga kalokohan niya.
>>>>>>>(end of flashback)>>>>>>>
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
Romance"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]