"Oh, nandito na pala si Zoey!" Bati sakin ni tita Bel kaya napatingin sila sa akin.
Nagmano ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Kasama ko rin po si Chad, tita Bel."
Nagmano naman si Chad sa kanya. At hanggang ngayon din, hindi niya pa binibitawan ang kamay naming magkahawak.
"Halika, upo kayo." Ani tita Bel at naupo naman kami. "Oh, Zoey hindi mo manlang ba babatiin ang Papa mo?" Tanong ni tita Bel.
Wala akong magawa kundi ngitian siya ng pilit. "Hello, pa. Kumusta na po?" Hindi siya sumagot pero nginitian niya lang ako. Well, I guess that means he's just fine and we're still not in good terms.
May stroke kasi si papa. Hindi siya makapagsalita ng maayos at hindi na makatayo at nahihirapan ding makagalaw. He's just sitting on the wheelchair for years. The last time I saw him ay nagagalaw niya pa ang mga kamay niya at nakakapagsalita pa kahit utal-utal. Hindi pa ganito kalala ang sakit niya noon.
I noticed that he lost a lot of weight. Nakakakain pa ba si papa ng maayos? I also noticed that half of his hair are tuning gray. Saan naman kaya naii-stress si papa? At saka fifty-one years old pa lang siya, ah. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa sa kanya. Kahit papaano ay may pinagsamahan din kami at tatay ko siya.
"Hi, Zoey. Kumusta ka na?" Bati sa akin ng isang asawa ni papa. My step-mom of course, her name is Cynthia. Isa lang ang masasabi ko sa kanya, napaka-plastik niya. She's just so fake and I don't like her.
"I'm fine." I answered. Hindi ko alam kung maayos ba ang pagsasama nila ni papa sa bahay nila magmula nang umalis na ako. Sana nga maayos, eh.
"That's good." She nodded. "Jamaica, aren't you going to greet your ate?" Sabi niya at siniko pa ang kapatid ko. My step-sister I guess.
"Why would I? It's like we're close to each other even though we're not." Jamaica rolled her eyes and walked out of the room.
Buti pa si Jamaica, harap-harapan niyang pinapakita na ayaw niya sa akin. Eh, eto kasing Cynthiang 'to, nagbabait-baitan. Santo-santo, akala mo naman kung totoo. Demonyita pala, kalahi ni Satanas.
And yeah, she's right. Mainit na talaga ang dugo sa akin ni Jamaica illnoon pa man. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanya at galit na galit siya sakin. And I didn't bother about it.
Nahihiyang napatingin sa akin si tita Cynthia. "I'm sorry about that, Zoey."
If I know, she doesn't really mean that she's sorry.
I faked a smile. "It's okay." And I don't care anyway.
Gusto ko pa sanang sabihin yun, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kanina ko pa tinitiis ang galit ko sa kanya, napakapeke kasi. Natahimik naman na kami, unti-unting may namumuong tensyon sa amin.
Tumikhim si tita Bel nang mapansing iyon. "Gutom na ba kayo? I'll prepare some sandwiches. Sandali lang, ah." Aniya at pumunta sa kusina.
"May kasama ka pala, Zoey. Mind if you introduce him to us?" Sabi ni tita Cynthia nang pumunta si tita Bel sa kusina.
Oo nga pala, nakalimutan ko na kasama ko si Chad. Kanina pa kasi siya tahimik eh.
"Oh, tita Cynthia at uhm, papa si Chad nga pala. He's my boyfriend, by the way." I said. Medyo kinakabahan.
Mukhang nagulat si tita Cynthia sa sinabi ko pero wala naman akong pakielam. Si papa lang naman ang inaalala ko eh. Hindi ko alam kung ayos lang ba yun kay papa dahil wala siyang reaksyon.
"Uhm, hello po." Chad awkwardly said.
"Hello, hijo. Are you two good?" Sabi ni tita Cynthia.
"Yes, we're good." Ako na ang sumagot.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]
عاطفية"I'll win your heart, no matter what..." He said sincerely and seriously. [ on-going ]