Chapter 3

32 19 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang first day of school ko sa PSU. Kasalukuyan na akong nagsusuklay ng buhok nang pumasok sa kwarto ko si Tita Bel.

"Zoey, sabay na daw kayong pumasok ni Oyo. Hihintayin ka na lang niya sa labas."

Tumango ako. "Sige po, Tita."

Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang suklay mula sa kamay ko at siya na mismo ang nagsuklay sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Actually, I missed her doing this to me. Para na niya kasi akong anak kung ituring. At saka ilang taon ding hindi ko siya nakasama.

"Zoey, ang laki-laki mo na. Parang kailan lang noong bata ka pa. Kumusta na kayo ng papa mo?" Sabi ni Tita Bel.

Napatingin ako sa kanya mula sa salamin. "Tita Bel..." Saway ko.

Ayaw na ayaw kong pag-usapan ang tungkol diyan. Nakakawalang-gana. Ewan ko ba kay tita at tinanong niya pa, alam naman niyang ayokong pinag-uusapan yon.

"Oo, Zoey. Naiintindihan naman kita. Sana, sana nga lang mapatawad mo na siya." Ngumiti siya sa akin mula sa salamin. Hinaplos niya ang buhok ko at inipit ang ilang hibla sa kanang tainga ko.

Napabuntong hininga ako. "Siguro, napatawad ko na po siya sa loob-looban ko. Pero hindi ko po talaga kasi makalimutan yung ginawa niya eh."

Ganun naman talaga 'di ba? It's always easy to forgive but so hard to forget. Because forgiving means you accept what he/she had done wrong to you. In my case, I still don't. Lalo na at mabigat ang kasalanan niya.

"I understand. I still wish you could still give your father a chance."

Hindi na lang ako umimik. Mahirap kasi gawin ang sinasabi ni Tita. Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate. Si Kuya ang nag-text. Nasa labas na daw siya, hinihintay niya na ako.

"Sige po, Tita. Alis na po ako." Paalam ko. Tumango naman siya at niyakap ako bago ako umalis.

Nadatnan ko si Kuya na nakasandal sa kotse niya at abala sa cellphone niya. Nilapitan ko siya. "Tara na."

Napatingin siya sa akin. "Finally after 2 years! Natapos ka din!"

"Edi wow. Ang aga-aga pa nga lang, eh. Oa ka." Ani ko at sumakay ng kotse, ganun din siya. Nagsimula na siyang magmaneho habang ako nakatingin lang sa bintana.

"Anong oras ba ang uwi mo mamayang hapon?" Nakangiting tanong niya.

"Mamayang 5 pm. Bakit mo natanong?"

"Susunduin kita para sabay na tayong umuwi."

Nagtataka ako sa kanya. Anyare sa kanya?

"Anong nakain mo at biglang naging mabait ka?"

"Insan, dati na kaya akong mabait."

"Mabuti iyan, ipagpatuloy mo lang." Ani ko at natawa naman siya.

When we arrived at school, we immediately parted ways. Hinanap ko ang room ko sa first class ko pero hindi ko mahanap-hanap. Parang naligaw na yata ako eh. Fifteen minutes na lang magsisimula na ang first class ko. Dapat kasi tinanong ko kay Kuya kanina eh.

"Excuse me, Miss? May hinahanap ka?" A guy asked me.

Napatingin ako sa kanya. Matangkad at maputi siya. Maayos din ang gupit ng buhok niya. Overall, he looked neat. Mukhang daig pa ako sa sobrang linis. Even his clothes are white. At tanging ang bag at pants niya lang ang kulay itim.

"Miss?" Tawag-pansin niya sa akin.

Natauhan naman agad ako. "Oo. Hinahanap ko kung saan ang room na ito." Sabi ko at pinakita ang sched ko kung saan makikita rin ang room sa bawat subject.

𝐖𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon