Nag-uusap parin sila Papa at Russell at ewan ko kung maninibago ba ako o hindi. Ni hindi pa nga sila magkakilala ng husto pero parang ang komportable naman ata nila masyado. Parang ang tagal na nilang nagkakilala kahit naman hindi. Ngayon pa nga lang nagpunta dito si Russ eh. At ang loko, talagang ginamit yung salitang Papa na pantawag sa tatay ko.
At hanggang ngayon na nandito na kami sa sala eh nag-uusap parin silang dalawa. Nakikinug lang ako sa kanilang dalawa, minsan ay nakikisabat na din ako.
"Nga pala, paano kayo nagkakilala ni Sabrina?" Usisa ni Papa. Sa hinaba haba ng pag-uusap nila, ngayon lang natanong ni Papa yun.
Napatingin ako kay Papa sa tanong niyang yun dahil naalala ko yung nangyari sa Club! Kahit na di naman talaga yun yung unang beses naming nagkita pero yun parin yung cinoconsider ko na una. Nilingon ko si Russell na ngayon ay nakatingin din saakin, bigla ay maliit siyang ngumisi. Nako, wag ka lang magkakamali ng sasabihin!
"Ah, sa... jeep po. Opo, sa jeep po kami unang nagkakilala. Tsaka po, pinsan ko si Patricia na kaibigan naman po niya." Sagot ni Russell, parang nag-aalangan pa.
"Oh? Magpinsan pala kayo ni Patricia?" Tanong ni Papa.
"Opo, sa mother side po." Sagot muli ni Russell.
"Nabanggit mo na sa jeep kayo unang nagkakilala. Alam mo bang nagkwento saakin si Sab na may lalaki daw na tumabig sa kanya habang pasakay siya sa jeep. Di ko tuloy maiwasang maisip na ikaw yung lalaki." Dagdag ni Papa.
Muli akong napatingin ako uli kay Papa. Takte! "Oo nga, Kuya Russ. Tas alam mo ba, inis na inis siya dun sa lalaking yun. Sinabi niya pa nga na kung nagmamadali daw yung lalaki, edi sana bumili nalang siya ng sarili niyang sasakyan." Sabat din ni Cohen saamin.
Napapikit nalang ako sa sinabi nila ngayon. Feeling ko nahiya ako bigla sa kanya! Nung magmulat ako ay binalingan ko siya. Nakita ko na bahagyang nakamaang siya saka binigyan ako ng makahulugang tingin.
"Ansama mo naman, grabe ka saakin ha. Kaya pala hanggang ngayon inis na inis ka saakin. Nagsorry naman ako eh." Bulong niya saakin, napanguso nalang ako.
"Tsh, malay ko ba na makikita pa uli kita matapos nun." Pangangatwiran ko sa kanya.
"Kahit na 'no, kaya ka pala suplada." Sabi niya, umangat ang labi ko. Nilingon niya si Papa na nakatingin din saamin. "Ahmm, baka po nagmamadali lang yung tao, hehe." Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na tinignan niya ako.
"Yun nga ang sabi ko, baka mamaya may hinahabol yung tao." Sagot ni Papa.
"Oo nga po, buti pa po kayo Papa naintindihan yung taong yun." Turan ni Russell.
"Mainitin kasi ang ulo ng anak kong 'yan, madali lang mainis sa bagay bagay." Sabi ni Papa sa kanya.
"Papa?" Pangengestiyon ko, nakita ko na bahagyang matawa si Papa.
"Ate, totoo naman eh. Palagi kang highblood, kahit nananahimik ako sa isang gilid. Minsan, nagugulat nalang din ako" Sagot ni Cohen saakin, napasinghal nalang ako. So, binubuking niyo ko ngayon?
"Hehe, totoo po yun. Medyo pikon din po siya palagi, mahilig din pong mag-walkout, tsaka po parang palagi pong may hinanakit saakin." Gatong pa ni Russell, nilingon ko siya at agad na inirapan.
"Tsh," Singhal ko.
"Totoo naman eh, honesty is the best policy diba." Sabi niya pa. Bigla ay may tumunog na phone, kanyang phone ata yun. Kinuha niya yun mula sa bulsa ng pants niya at tinignan.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomanceSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...