Araw at linggo na ang kumipas at di na uli kami nagkita ni Russell. Hindi nga kami nagkikita pero nagchachat naman siya saakin. At kahit sa chat nalang, maingay parin siya! Minsan din pahamak siya dahil muntikan na akong mahuli ng prof ko dahil malakas yung ringtone ko at biglang tumunog yung phone ko habang on class! Gusto ko siya dagukan ng sampu sa ginawa niyang yun, nakakabwisit siya.
"Oy Sabrina, tara na!" Aya saakin ni Thea, alas-kwatro na ng hapon at tapos na ang klase namin.
"Hmm, tara na." Sagot ko at tinapos yung pag-aayos ng bag. Una sa lahat, ayoko ng bagay na magulo. Kaya ayoko kay Russell dahil ang ingay niya at masyadong magulo.
Naglakad na kami palabas ng room ngayon, kasama din kasi namin yung dalawa kong kaklase na kaclose ko din, sila Dana at Sirene. Nag-uusap usap kaming apat nung mag-iba ang topic namin.
"Uuwi na ba kayo agad?" Tanong ni Sirene.
Ako ang unang sumagot. "Oo, gusto ko na magpahinga eh, nakakapagod yung araw na 'to."
"Sa true lang 'day, gusto ko na ding humilata." Sabi naman ni Dana.
Nasa may labas na kami ng building nang bigla ay nagsnooze yung phone ko na tinignan ko naman agad. Pero ewan ko, feeling ko di na naman matatapos yung buong kwentuhan na 'to dahil si Russell yung nagchat saakin.
From: Russell
Dzai, san ka ngaun? Tapos na klase mo?
Nakangiwi akong nagtipa ng isasagot sa kanya.
To: Russell
Kakatapos lang, bat?
From: Russell
Y naman tayo cold, mare? Nagtatanong lang naman ako e, edi don't.
Palihim ako nagroll eyes at nagtipa na uli.
To: Russell
Takte, ano nga yun? Anong meron?
From: Russell
Nandito ako ngayon sa labas ng building niyo eh, kain tayo sa may wings club dito sainyo, libre ko.
Bigla ay napamaang ako sa sinabi niya, takte?! Anong ginagawa nun dito? Nagtipa kaagad ako ng isasagot sa kanya.
To: Russell
Bonak ka ba? Boplaks, bat nandito ka?
From: Russell
Nandito ako, because?
Djklng, nandito ako kasi wala ako dyan. Basta ang importante ay mahalaga na I'm here dahil nandito ako:)
Potakte, bwct di talaga siya makausap ng matino!
"Oy, Sab sino yan ha?" Tanong bigla saakin ni Thea dahilan para matago ko sa likod ko yung phone ko.
"Ah, wala!" Tanggi ko agad. "Si... Cohen! Oo, si Cohen lang." Pagsisinungaling ko.
"Weh? Ikaw ha, naglilihim ka na." Sabi ni Dana.
"Tsk, si Cohen nga lang, nagtatanong lang kung.. nasaan ako ngayon." Sabi ko, ayoko na may mag malisya saakin.
"Oy, Sabrina!" Bigla ay may tumawag na pamilyar na boses saakin. At takte, di nga ako nagkamali! Si Russell yung tumawag saakin.
Naglakad siya sa gawi namin, napakagat-labi nalang ako ng palihim at napapikit. Takte, pahamak talaga siya! Nang magmulat ako ay nakatingin na saakin sila Dana, Thea at Sirene na parang nagtataka.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
Roman d'amourSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...