Araw na naman ang lumipas at weekend na ngayon. Nung araw na yun, natuloy saamin si Ivan. Nanood pang kami ng movies habang kumakainnat nag-uusap. Dun na din siya nagpalipas ng gabi. Dalawa naman yung kwarto sa apartment kaya nagshare nalang kami ni Jhen sa iisang kwarto. Pero kinaumagahan nun ay umuwi na din siya kaagad dahil uuwi pa daw siya at wala siyang dalang uniform. Pero di niya nakalimutan yung laptop, ewan ko rin dun.
At dahil nga weekend na ngayon, nandito ako ngayon sa pwesto nila Mama. Kapag ganitong weekend, dito na ako dumidiretso at hindi sa bahay namin. Dahil for sure, wala rin naman akong aabutan duon dahil nandito sila sa pwesto. Kapag ganitong weekend din ay tumutulong si Cohen kay Mama, depende lang kung busy siya sa schoolworks.
"Tita Cely." Ani ko kaagad nung makarating ako sa pwesto nila dito sa Bayan.
"Sabrina, nandito kana pala." Turan ni Tita Cely.
Nilibot ko yung tingin ko sa loob, hindi rin naman ganun kalakihan yung pwesto na nirerentahan nila Mama dito. Binalingan ko si Tita na nag-aayos ng mga gamit duon sa glass stante. Magbubukas palang kasi sila, 8:30AM palang ngayon at 9AM sila nagbubukas.
"Tita, wala pa po sila Mama at Cohen?" Tanong ko at pumasok na sa loob.
"Ah hindi, kinuha kasi nila yung mga bagong dating na paninda namin. Yung mga damit, kinuha lang nila dyan sa kanto." Turan ni Tita Cely.
"Ganun po ba?" Anas ko.
Tumango lang si Tita saakin kaya napatango nalang din ako. "Kumain ka na ba iha?" Tanong ni Tita.
"Ah tapos na po, kumain po ako bago ako umalis." Magalang na tugon ko.
"Hmm, kung nagugutom ka ay may pagkain dyan."
"Salamat po." Lumapit ako sa pwesto ni Tita dahilan para mapatingin siya saakin. "Tulungan ko na po kayo Tita."
"Ay salamat iha ha. Pakilagay nalang sana dun yung mga belt na yan." Turo ni Tita duon sa belt rack, sinasabi na duon ko ilagay.
Tumango nalang ako kay Tita saka binaba yung bag kong dala. Naglakad ako palabas dahil nandun yung belt rack. Nagsimula na akong magsabit ng mga be,t dun sa rack. Tumulong lang ako kay Tita na mag-ayos ng mga paninda nila habang inaantay ko na dumating sila Mama. Wala pang mga costumer na dumadating dahil onti palang ang tao dito sa bayan. Tago rin kasi 'tong pwesto nila Mama. Ang mga nasa bungad ay mga pwesto ng gulay, baboy, isda at prutas. Samatalang yung nga ganitong binebenta ay sa looban pa, marami ka pang kahaharapin na liko.
"Oh nandito na sila Mabel." Sambit ni Tita Cely kaya napalingon ako.
Pero nagulat ako sa nakita ko, bukod kasi kila Mama at Cohen ay nandun din si Russell na may buhat na bungkos ng plastik. Iyon yung mga paninda nila Mama na sabi ni Tita ay kukunin nila Mama, nakatali lang iyon ng twine straw. Nakasuot din siya ng simpleng polo shirt at jeans na pinaresan ng white sneakers. Anong ginagawa niya rito?
"Sino 'yang kasama mo, Mabel? Bagong kargador?" Ani ni Tita Cely.
Napabaling tuloy ako kay Tita Cely pero mukhang wala talaga siyang alam kung sino siya. Napakagat-labi para mapigilan yung tawa ko, lalo na nung makita yung mukha ni Russell na bahagyang nanlaki ang mata. Maboka pa naman 'to si Tita Cely, minsan ay walang preno ang bibig.
"Ano ka ba Ate," Pananaway ni Mama kay Tita Cely saka pinanlakihan pa ito ng mata, binabalaan. Nilingon ni Mama si Russell na mukhang gulat pa din. "Ay nako Russell iho, wag mo nalang pansinin yang si Ate."
"Ah, sige po." Maikling sagot ni Russ at napatingin nalang sa sahig. Ramdam ko yung hiya.
"Pumasok ka muna para maibaba mo na yan." Anyaya sa kanya ni Mama.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomanceSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...