Gaya ng sabi niya, nagsimula na akong magtrabaho noong Miyerkules. Nung araw na matapos yung interview 'kuno' niya saakin ay inilibot nga ako ng Sekretarya niya. Ewan, mahinhin nga talaga siya at pasweet yung boses niya. Buong araw kasi na yun ay hindi man lang nagbago yung tono ng boses niya. Baka nga ganun talaga, well wala naman akong pake sa totoo lang. Nung araw din na yun, sinabi niya saakin yung mga policies nila dito at kung ano ano pang mga bagay tungkol sa kumpanya.
Pero nung matapos ang araw na yun, hindi ko na uli nakita si Russell. Baka nga talagang umalis siya atmay inasikaso. Pero mas ayos na din siguro yun, kesa naman sa nakikita ko siya. Lalo na pagkausap siya, mas malamig pa siya sa freezer namin eh.
"Oy weekend naman na ah. Sumama ka na saamin Sabrina." Pamimilit saakin ni Janett.
Kanina pa nila ako pinipilit na sumama sa kanila, kakain kasi sila sa labas. Sa isang linggo ko ng nagtatrabaho dito, mabilis lang na napalapit saakin yung mga tao. Actually, approachable din sila sa mga bagong employee. At sa isang linggo na din na yun, malimit ko lang na makita si Russell. Mukhang busy ata at nandun lang sa office niya. Tsk, paano na naman siya napasok sa usapan?
"Oo nga naman Sabrina, minsan lang 'to oh." Ani rin ni Alice.
Ngumiwi ako, ayoko talagang umalis. "Saka nalang siguro." At nagbigay ng apologetical smile.
"Napaka-KJ mo naman, sige na oh." Turan din ni Riza.
"Oo nga 'teh, sumama ka na saamin. Para din bonding natin 'no!" Pang-uudyok pa ni Alice.
"Malapit lang naman dito sa Office yung kakainan natin eh. As in sobrang lapit lang 'day." Untag ni Janett.
At dahil mukhang hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasama sa kanila ay wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang. Well nakakahiya na din sa kanila. Kanina pa nila ako inaalok eh, nakikipag-close na nga sila saakin.
"Yown! Hayaan mo 'day, treat naman 'to ni gagang Janett eh." Sambit ni Alice at nagtaas baba pa ng kilay, napangiti nalang ako.
Nagsimula na silang magligpit ng gamit nila, pauwi na din kasi kami. Bale yung paglabas namin na 'to eh magiging hapunan ko na. Sabi ko pa naman kay Jhen ay sabay na kaming kakain ng hapunan. Tuloy ay tinext ko nalang siya na hindi ko na siya masasabayan, baka kasi mag-antay pa siya saakin.
Simula kasi ng nahire na ako, gaya ng napagplanuhan namin ay ganun nga ang nangyari. Duon na ako nakatira sa apartment niya at pag weekend naman ay umuuwi ako. Pero syempre, hati kami sa mga expenses sa apartment niya. Masyado namang makapal ang mukha ko kung ipapaako ko sa kanya lahat.
"Tara na, medyo gutom na ako eh." Pang-aaya na ni Alice saamin.
"Sa true lang, para naman matikman natin ang libre ng isang Janett. Bihira yan 'day, kaya sulitin na." Natatawang sabi ni Riza, natawa nalang din kami.
Nang matapos na sila na mag-ayos ng gamit nila ay nag-out na din kami kaagad. Habang naglalakad kami ay nagkwekwentuhan lang din sila. Nakikisali din ako sa kanila kapag nagtatanong sila saakin. Gaya ng sinabi ni Janett, malapit nga lang yung fastfood na kakainan namin, pizza fastfood siya. Kaso ang problema naman namin ay napakadami ng kumakain, tuloy ay nahirapan kami na maghanap ng mauupuan. Pero buti nalang ay may umalis na mga babae dun sa gilid kaya dun na kami pumwesto.
"Nako, buti nalang at may umalis na mga babae." Sabi ni Riza.
"Kaya nga eh, di ko naman alam na punuan dito." Turan din ni Janett, wala si Alice dahil nag-CR pa siya.
"Baka dahil Friday na, wala ng pasok yung iba. Halos mga college students yung nandito eh." Sabat ko, may malapit din kasing university dito kaya siguro lumabas din yung iba.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomantikSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...