Nandito kami ngayon sa may labas ng CIS, kasama yung mga kaibigan kong mga lokrita. Kumakain kami ng mga tusok tusok dito habang sila ay mga nagse-cellphone, bukod kay Rhianne na kumakain ng siomai. Di ko alam kung mabibwisit ako o hindi dahil anlakas nila magyaya na kumain kami dito pero mga may kausap naman.
Si Bri, sinagot na si Kairus nung birthday niya pa. Si Larissa naman, may jowa na din, di ko alam yung pangalan pero kilala ko sa mukha. Matagal na siyang may jowa pero ngayon lang nagsabi, kung hindi pa namin nahuli. Si Pat, ewan ko kung anong ganap niya sa buhay. Si Rhianne naman, kumakain lang at as usual, walang pakialam sa paligid.
Bumuntong hininga ako, kaya napatingin sila saakin. "Alam niyo, bwisit din kayo. Nagyaya kayo na kumain dito tas magsecellphone lang kayo."
"Oy hala, ginalit niyo si mader Sabrina." Ani agad ni Larissa. "Wala ka naman kasing sinabi na bawal magcellphone habang kumakain. Di ko naman alam na may table manners din dito sa tusok tusok."
"Haba ng sinabi mo, buti di naiirita sayo si Attorney." Sabi ni Pat sa kanya at humalukipkip pa.
"Syempre, mahal ako nun eh." Mayabang na turan ni Larissa. "Mainggit kayo please, mainggit kayo."
"Bat ako maiinggit, may jowa naman ako eh." Mayabang din na sabi ni Bri.
"Wala akong jowa pero may ka-fling ako ngayon and gping strong. Atleast hindi na siya pang-one week, extended na siya." Sagot ni Pat sa kanila. Infairness ah, kausap niya parin yung piloto hmm.
Umangat ang labi ko saka nilingon si Rhianne. "Layasan kaya natin 'to?" Talagang pinarinig ko sa kanila yunh sinabi ko.
"Parang maganda pa nga ata, mga bwisit eh." Gatong niya rin.
"Pakla niyo kasi eh, mga nakulangan ata kayo sa bitamina nung napanganak at napakabitter!" Usal ni Larissa saka tumusok ng kikiam.
Nakakacringe kaya topic niyo, mga depongal.
"Oy nga pala, Sabrina Luella Rivero." Buong pangalan na tawag saakin ni Patricia.
"Grabe, kailangan full name talaga?" Sabi ko.
"Oo dahil importante yung sasabihin ko sayo." Sabi niya saakin, tuloy ay napatingin din yung tatlo. "Napapansin ko na madalas pinsan ko sainyo ha. Ano bang status niyo? Friends with benefits?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Boba, anong friends with benefits ka dyan?!"
"Uy gagi! Alam niyo bang nagpunta sa building namin yung pinsan mo, Patring!" Sabat naman ni Larissa. "Likas din na boang yung pinsan mo. Sinabi pa nga saakin na cesarian nanay niya eh, may saltik din, di ko naman tinatanong kung cesarian nanay niya."
Ngumiwi si Pat at nagroll eyes. "Psh, parang hindi kayo pareho ng ugali sa kadaldalan." Ngumuso si Larissa saka uminom sa buko juice niya at kumuha naman ng fishball.
Multi-tasking, kumakain habang nagdadaldal.
"Yung pinsan ba na sinasabi mo is yung pinsan mo na nagbigay sayo nung jacket nung nakaraan sa club?" Tanong ni Bri.
"Oo, yun nga." Sagot ni Pat saka ako muling nilingon. "So, ano ngang status niyo? Kung di kayo mag-friends with benefits, anong status niyo?"
Akmang sasagot na ako nung may biglang umakbay saakin at unahan akong sumagot. "Lovers without label."
Nagulat ako sa sumagot na yun at agad na binalingan kung sino iyon. Nakita ko si Russell na nakangisi na habang nakatingin din saakin. Nakamaang ako na nakaangat ng tingin sa kanya at kinikwestyon siya sa sinabi niyang yun. Anong lovers ka dyan?! Hibang ba siya?!
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomanceSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...