Chapter 8

59 4 0
                                    

Hindi ko alam kung sino ang sisihin ko, kung si Papa ba o Si Russell. Simula kasi nung sinabi ni Papa na bukas ang bahay namin para sa kanya, halos linggo linggo, hindi na siya nawala sa bahay namin! Minsan, kahit wala ako sa bahay namin, magugulat nalang ako at nandito siya. Nagugulat nalang ako na umaalingawngaw nalang yung boses niya sa buong bahay namin! At ang mas mahirap pa dun, mas ginugulo lang niya ako!

Kaya minsan, nilalayasan ko nalang siya dito. Kagaya nung isang araw, nung nagyaya si Pat na magclub eh sumama na ako. Sinabi ko na aalis kami kaya umuwi na din siya. Minsan, naiisip ko kung hindi ba siya hinahanap ng nanay niya.

At ngayon, napakafeel at home niya. Hindi pa siya nakuntento na naging bwisita siya, talagang nagluto pa ng pancit canton at sunny side up na itlog!

Hayop na 'to, feel at home na feel at home ampotek.

"Sure ka, ayaw mo? Masarap kaya 'to." Sabi niya habang hinahalo yung pancit canton, 5PM na ngayon at kaming dalawa lang nandito sa bahay. Si Cohen ay magbabasketball daw kasama ang tropa niya at si Papa ay namasada.

Subukan niya lang na may gawing masama, kukutsilyuhin ko siya.

"Wag na, mukhang kulang pa ata sayo 'yan eh, nakakahiya naman sayo." Nagtataray kunong ani ko.

"Grabe, di naman ako ganun ka-PG. Gutom ako ngayon pero di naman ako ganun kabuwakaw sa pagkain." Nakangusong sabi niya saka kumuha ng plato. Naglagay siya sa plato ng pancit canton at yung itlog na niluto niya saka inabot saakin. "Yan na oh."

"Salamat ha, mukhang pilit ka pa eh." Sabi ko at akmang kukunin na yung plato nung ilayo niya yun bigla.

"Joke lang, bili ka ng iyo dun sa tindahan tas lutuin mo. Mahal ng bili ko dito eh, kinse din 'tong pancit canton. Tas dagdag mo pa yung syete na itlog." Pang-aasar niya.

"Eh kung pabayaran ko rin kaya sayo yung gas na ginamit mo sa pagluto niyan?" Nagmamalditang sagot ko.

"Hehe, ito na oh. Pero bago yun," Pinantay niya yung mukha niya saakin, napaatras tuloy ako ng isang hakbang. "Kiss muna." Saka siya ngumisi

Inirapan kita, bwct!. "Sikmurahan kaya kita ngayon?"

Ngumiwi siya. "Laki talaga ng galit mo saakin 'no. Paalala ko lang ha, halaman ang tinatanim at hindi sama ng loob." Sabi niya saakin saka inabot na yung plato. "Ayan na po, wag na kayo magalit."

Nagroll eyes pa ako bago kinuha yung plato na may pancit canton. "Tsh, umakyat na nga tayo dun." Sabi ko at nauna ng maglakad.

Gaya ng sabi ko, umakyat kami sa kwarto namin ni Cohen. Nagdala pa siya ng pitsel ng tubig at baso bago sumunod saakin. May ginagawa kasi akong research kaya kami nasa kwarto. At napilitan lang talaga akong bumaba para samahan siya. Nakakatakot daw kasi mag-isa sa baba, baka daw may multo. Kalalaking-tao, napakaduwag amp.

Umupo siya sa kama ni Cohen, saka muling nanood sa laptop na dala niya. Nagbibinge watching kasi siya, mas okay na yun kesa ginugulo niya ako dito. Umupo ako sa may side desk at nilapag yung plato na bitbit ko.

"Ang sarap 'no? Baka Chef Russell 'to." Pagmamalaki niya pa.

Nilingon ko siya saka tinaliman ng tingin. "Advance ka mag-isip, ni di ko pa nga natitikman eh."

"Hehe, sorry naman, naexcite lang ako." Sabi niya saka nagpeace sign pa.

"Tsh, tsaka pancit canton lang naman niluto mo, kung magmayabang ka naman diyan." Bulong ko pa bago nilingon muli yung laptop ko.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon