Chapter 40

86 3 0
                                    

Nung araw na yun ay nagkabati din kami. Naisip ko kasi yung sinabi ni Tita Desiree eh. Tsaka mas mabuti na yun, hindi ko rin naman siya natitiis. Nakakapanibago kapag hindi siya maingay at puro sorry lang ang sinasabi niya. Pero syempre, siya parin ang pinaghugas ko nung kawali na yun. At binungangaan ko din siya ng unti lang.

Sa bawat araw na kasama ko siya, masaya ako. Kahit na medyo naging busy kami, tuwing uuwi naman ay nag-uusap parin kami. Lalo na bago kami matulog, minsan nga ay nakakatulugan ko na ang mga kwento niya. At syempre, hindi na ata mawawala sa kanya ang pagiging maloko at mabiro. Palagi niya kasi akong inaasar, at syempre pikunin naman ako. Perfect match.

Linggo ngayon at nandito ako kila Mama. Noong Thurday pa ako nandito, ewan ko din kay Russell at pinaglileave ako. Tsh, yung ibang boss ay gustong gusto na pumapasok ang empleyado niya pero siya ay hindi. Ang dahilan niya lang naman ay para daw makapagpahinga ako, mukha daw akong stress. Kaya eto, nandito ako kila Mama dahil wala naman akong kasama sa bahay niya. Pero maya maya rin ay susunduin niya na ako, papunta na daw siya eh. Kaya ngayon, nandito lang ako sa sala at inaantay siya, si Mama kasi ay nagluluto ng hapunan.

"Ate!" Tawag saakin ni Cohen.

Nangunot ang noo ko at nagpunta sa kwarto niya. Nandun kasi siya ngayon at wala akong alam kung ano ang ginagawa niya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nandun sa desk niya.

"Anong meron at tinawag mo ko?" Tanong ko.

"May tatanong lang sana ako." Ani niya.

"Ano yun?" At tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

"Maayos ba? Feeling ko andaming mali atsaka ang dumi." Parang problemadong usal niya.

Tinignan ko yung plates na gawa niya na nandun sa desk. At ang masasabi ko lang, maayos naman yun. Sa totoo lang, maganda nga yung pagkakagawa niya roon eh. Merong mga dumi sa gilid pero hindi naman ganun kahalata.

Sinighalan ko siya. "Maayos naman ah, paranoid mo."

"Tch, feeling ko kasi parang.. ay ewan. Bahala na nga yan." Sabi niya.

"'Doy, second year ka palang pero frustrated kana." Natatawang sabi ko. "Mahaba haba pa, may tatlong taon pa."

"Ate, ang panget mo kabonding." Nakangiwing turan niya.

Napatawa nalang ako sa kanya, para siyang bangag ngayon sa totoo lang. Nang maya maya lang ay narinig ko si Mama na tawagin ako. Lumabas ako sa kwarto para tignan kung ano yun. At nakita ko na nandun na si Russell. At ang mokong, pormado pa. Nakadress shirt na black siya na nakanisnis hanggang siko at pants na pinaresan ng sapatos.

"Oh, nandito kana pala." Sabi ko.

"Hindi, guni-guni mo lang ako. Prank lang 'to babe, standee lang talaga ako na nagsasalita." Pang-aasar ni Russell. Inirapan ko siya, ayan na naman siya at sinisimulan ako.

"Tara na?" Tanong ko at kinuha na yung bag ko na nasa sofa.

"Hmm, pwede naman." Sagot niya.

Bigla ay lumabas si Mama mula sa kusina. "Oh, hindi ba kayo dito magdidinner?"

"Hindi na Ma, sa bahay nalang siguro." Sagot ko.

"Nako, sayang naman yung niluto kong Laing. Pinadamihan ko naman para kay Russell." Sambit ni Mama.

"Ah Tita, magdadala nalang ako. Sayang din yan, tsaka parang masarap yan sa kanin." Sagot ni Russ at nagtaas baba pa ng kilay kay Mama.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon