Matapos ng maikling pag-uusap namin na 'yon ay hindi na yun nasundan pa. Umalis na din siya kaagad matapos niyang kumain kasama namin. Hindi na siya nagtagal pa, siguro ay may lakad. Pero kahit na magkasama kami sa iisang table nung araw na yun, hindi na kami nagkausap uli. Paano ay sila Alica, Riza at Janett ang kausap niya. Hindi na ako nakisali pa.
At ngayon, isang araw na naman ng pagtatrabaho. Kasalukuyan akong nagbabasa ng mg emails galing sa clients namin. Tapos ko na yung financial reports ko kaya nagbabasa nalang ako ng emails. Pero habang nagbabasa ako ng mga emails and inquiries ay tumunog yung phone ko na nasa gilid. Tinignan ko yun para tignan kung sino.
Pero napangiwi nalang ako nung makita kung sino, ang GC naming magkakaibigan.
Patricia: Hoy mga babae, bridesmaids kayo sa kasal ko.
Briella: Alam na namin, huli ka na sa balita.
Patricia: Paano mo nalaman? Ngayon ko lang naman sinabi.
Briella: Instinct duh.
Larissa: Matalino yan dzai, baka limot mo na. Tanga lang yan sa pag-ibig pero atleast matalino.
Pero btw, wala ka bang balak magbigay ng invitations? Pucha, angganda mo mag-announce promise, nakakatense siya. Sarap mo ipakain sa dinosaur, rawr rawr.
Oo, ikakasal na si Pat sa boylet niya. Actually, kakaengaged lang niya 1 month ago. Akalain niyo nga naman, dati walang sineryoso yan. Pero wala eh, tinamaan ng lintek. Ayon at nagkaroon na ng lalaking magtyatyaga sa kanya. Di nga ako nagkamali, siya unang magkakasawa saamin.
Habang kami ni Bri ay nagtatrabaho na, meron na nga siyang kumpanya eh. Well, yun naman talaga ang goal niya. Ang makapagpatayo ng Construction Company. At si Larissa naman ay nagreresidency na. Matagal tagal pa ang lalakbayin niya pero atleast, natupad niya yung dream niya. Habang si Rhianne ay inaalagaan ang Mama niya sa Amerika. Hindi na siya nagtrabaho dahil ayaw niya daw, aalagaan niya nalang daw ang Mama niya. Nung maya maya pa ay nagsnooze uli yung phone.
Patricia: Sampalin kaya kita ng limang libo? Taghirap ka dyan.
Larissa: Shet, ayan na ata yung pinakamasarap na sampal na mararanasan ko. Pasampal fhoe maam, di ako tatanggi pramis😭
Sabrina: Pasampal din sana, pambayad lang sa kuryente't tubig.
Briella: Pasampal din po maam, pambili lang ng dogfood ni Kiki.
Patricia: Ah no, slapsoils🤮🤢
Larissa: Pag nagpagawa sayo ng bahay 'to @Briella, siguraduhin mo na di matibay yung poste.
Briella: Noted sisams.
Napatawa nalang ako, ikakasal nalang lahat lahat si Pat eh wala paring nagbago saamin. Nilapag ko muli yung phone ko sa lamesa saka nagpatuloy sa pagbabasa ng emails. Pero di pa man din nagtatagal ay umilaw muli iyon.
Patricia: Oy basta ha, bridesmaids kayo. @Rhianne @Sabrina, umuwi naman kayo. Takte, hindi ang kasal ko ang mag-aadjust duh.
Sabrina: Oo na, uuwi ako dyan para SAYO. Ewan ko lang si Rhianne.
Rhianne: Uuwi din ako, wag ka mag-alala. Masyado niyo kong miss.
Patricia: Wow ha, masama ba loob niyo?
Sabrina: Hindi naman pero slayt. Djklang
Larissa: Nako @Rhianne, umuwi ka na talaga. May naghahanap sayo, bestfriend mo daw;). Opps, sorry nadulas pero sadya.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
Storie d'amoreSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...