Apat na araw na ang lumipas simula nung event na yun at hindi na kami nagkita uli. Ni hindi ko nga din alam kung paano ba kami nakauwi matapos nung eksena na yun. Ewan ko pero sobrang lutang talaga ako ng dahil dun! Ang nalaman ko nalang ay naihatid niya na ako sa bahay namin at nagpaalam ng uuwi.
December 24 na ngayon at hanggang ngayon, hindi parin kami nakapag-usap kahit na sa chat lang. Hindi ko alam kung ikakainis ko ba yun o hindi. Nakamiss ng slight yung makulit niyang boses ha. Ewan ko pero totoo yun, nasanay ako ng nangungulit siya saakin.
"Ate, gising na." Pangigising saakin ni Cohen.
"Hmm.." Ungot ko lamang, anong oras na ako nakatulog kagabi. Puyaters siya ih.
"Gising na Ate, matutulog pa tayo." Ani muli ni Cohen habang marahan pa akong inuuga.
Marahas akong bumuntong hininga habang nakapikit parin. Grr, bat ba 'to nang-iistorbo ng tulog? "Ano ba, Cohen? Bat ka ba nanggigising ng tulog?"
"Kasi bawal naman manggising ng taong gising na." Bigla ay may sumagot saakin na pamilyar na boses. Tuloy ay napamulat ako at napabangon nung maalala ko kung kaninong boses iyon.
Nakita ko siya na nakahalukipkip habang nakangiwi saka parang yamot na yamot na nakatingin lang saakin. Ewan pero bigla ay may naramdaman akong katiting na saya ngayon. Anyare sayo, Sabrina ha?!
"Oh, bat ka bumangon? Kala ko ba inaantok ka pa?" Sagot niya saakin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Tsh, edi matutulog nalang ulit ako."
Napamaang siya ng bahagya. "Wow, di mo ba ako namiss? Ang sama sama mo talaga 'no, salamat nalang sa lahat."
Napatingin ako sa kanya, namiss kita.. bulong ko nalang sa sarili ko. Ewan ko pero ayokong sabihin sa kanya yun, lalaki lang yung ulo niya pag narinig niyang nagsabi ako ng ganun sa kanya.
"Sige na, Cohen. Ako na bahala dito sa Ate mo, hehe." Sabi ni Russell kay Cohen.
"Ang aga aga, nag-aaway kayong dalawa." Iiling iling nalang na sabi ni Cohen, napangiwi lang ako.
Nagpaalam pa ng isang beses bago tuluyang umalis sa kwarto naming dalawa. Binalingan ko uli si Russell na umupo naman sa kama ni Cohen, magkatapat kami ngayon. Sa ichura niya ngayon, parang may inaantay siyang may sabihin ako.
"Ano? Titigan mo nalang ako? May bayad ang pagtitig saakin buddy, sampung piso isang oras." Sabi niya.
Inirapan ko lang siya saka tumayo ng walang iniiwan na salita sa kanya. Nagpunta ako sa CR para maghilamos na at magtoothbrush. Bahala siya dyan. Naghihilamos na ako nung makita ko siya dun sa may hamba ng pintuan ng CR habang nakasandal dun at nakatingin saakin.
Bigla ay ngumiwi siya. "Tch, hilig mo talaga magwalk-out. Sarap mo tirisin, buddy."
Inirapan ko siya mula sa salamin saka naghilamos na ng mukha. Narinig ko pa siya kumanta ng 'Wheels on the Bus' habang nagtotoothbrush ako. Matapos kong magtoothbrush ay nagmumog na ako at muli siyang tinignan. Sinandal ko pa ang sarili ko dun sa lababo at humalukipkip.
"Bat ka ba napadaan dito? Magpapasko na ah, diba dapat nasa bahay ka ninyo?" Tanong ko.
Umangat yung gilid ng labi niya. "Wow ha, sa lahat ng binisita ko sa buong talambuhay ko, ikaw lang yung kauna-unahang nagreklamo."
"Tsh, totoo naman kasi." Sabi ko. "Bat ka nga nandito?"
"Obvious ba? Syempre, para bisitahin ka, duh." Sabi niya at humalukipkip din. "Ang aga aga, ang init init na ng ulo mo. Siguro panget yung panaginip mo 'no?"
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomanceSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...