Chapter 5

63 5 0
                                    

Nandito parin kami sa may wings club at inaantay ko nalang siya matapos na kumain. Sa sobrang daldal niya, hindi niya na natapos yung kinakakain niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng walang emosyon habang nakahalukipkip. Kung ako lang, baka kanina pa ako umalis dito. Pero nakakahiya naman sa kaniya, nilibre na nga ako tas lalayasan ko pa siya dito.

Budol-budol ka ghorl.

Halatang binibilisan niya yung pagkain at panayndin ang baling niya saakin. At maya maya pa ay nabulunan na siya sa kinakain niya! Umubo-ubo pa siya kaya mabilis ko nalang na binigay yung tubig sa kanya.

"Bopols ka talaga, susubo ka nalang, nahibilaukan ka pa." Masungit na sabi ko sa kanya.

Umubo pa suya uli atsaka uminom ng tubig. "Eh kasi mukhang bagot na bagot ka na diyan, edi binilisan ko yung kain."

Umangat ang labi ko. "May sinabi ba akong magmadali ka? Yan tuloy, nabilaukan ka pa." Sabi ko.

Bigla ay pinanliitan niya ako ng mata saka ngumisi saakin. May naisip na naman 'tong kahayupan. "Wait nga, concern ka na ba nyan? Pasimple ka dyan ha."

Mabilis ko siyang inirapan, di nga ako nagkamali ng inisip. "Alam mo, sana di na kita inabutan ng tubig."

"Oy, ang sama mo." Saka siya ngumuso. "Ang pangit mo magjoke ha."

"Hay nako, kumain ka na nga lang dyan."

Ngumisi siya uli. "Ayii, ikaw ha, concern ka naman pala eh." Bigla ay inirapan ko siya, pag ako talaga nainis, iiwanan ko siya dito. "Hehe, joke lang naman, galit ka na agad eh."

Nagroll eyes nalang ako kaya kumain na siya muli. Hindi na siya masyadong nagmadali ngayon, siguro nadala na nung nabulunan siya. Nang natapos siyang kumain ay tumayo na kami. Hindi ko alam kung magugulat ba ako sa ginawa niya nung ilagay niya sa loob nung tray yung lahat ng pinagkainan naming dalawa. Sa ngayon kasi, madalang na ang nagliligpit ng mga ganito dahil meron naman daw fastfood crew.

"Tara na, uwi na tayo at gabi na." Yaya ko.

"Hmm, hahatid na kita sainyo." Sagot ko.

Kinunutan ko siya ng noo. "Para saan? May paa naman ako eh, bat hahatid mo pa ko?"

"Tsk, wala naman akong sinabing di mo gagamitin paa mo 'no. Anong akala mo, bubuhatin kita? Wag na, uy." Sagot niya saakin saka naglakad.

"Tsh, bahala ka na nga diyan." Sabi ko at nauna ng maglakad. Napakawalang sense niya sumagot, minsan ang layo pa sa tanong ko.

"Oy!" Tawag niya saakin, mabilis niya lang rin akong nahabol dahil nga matangkad siya. "Grabe, bat ba ang hilig mo mag-walkout? Kinaganda mo ba yan?"

Inirapan ko siya. "Eh napakawalang kwenta mo sumagot eh, di mo naman sinasagot mga tinatanong ko."

"Tch, alangan, ihahatid kita kasi gabi na." Sagot niya saakin. "Tsaka mahirap na 'no, iba pa naman yung mga tao ngayon sa daan."

"Tsh, sa tinagal tagal kong nagcommute ng gabi, wala pang nangyari saakin na masama." Sagot ko.

"So aantayin mo pang may mangyari sayo na masama bago ka magpasama sa iba, ganun?" Ewan ko pero biglang naging strikto yung boses niya. "Ah basta, ihahatid kita pauwi. Kung ayaw mo, susundan nalang kita."

Napatingin ako ng matagal sa kanya. "Bahala ka, choice mo yan." Sagot ko nalang at nag-iwas ng tingin.

Naging tahimik kami hanggang sa nandito na kami papunta sa may terminal, at para saakin, nakakapanibago yun. Madalas, maingay siya kapag ganito eh, kagaya nalang kanina. Nakapasok yung kamay niya sa bulsa ng pantalon niya saka tahimik na naglalakad, tuloy ay nagtataka ako kung bat siya nanahimik bigla.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon