"Babe.. Shh.." Pagpapataha ni Russell saakin.
Nandito kami ngayon sa puntod ni Papa at kakalibing niya palang. Unti nalang yung tao ngayon, halos lahat ay umuwi na. Ewan pero hindi ko inakala na iiyak ako ng mas malala kesa nung araw na malaman kong wala na si Papa. Ang sakit isipin at paniwalaan na wala na talaga siya.
Wala na yung Papa ko na susunduin ko sa labas ng bahay namin dahil galing siya sa pamamasada. Wala na yung Papa ko na iniintindi ako tuwing pagod ako. Wala na yung Papa ko na kaibigan ko na din. Ewan pero parang ngayon lang talaga nagsink in sa isip ko na wala na talaga siya. Na hindi ko na siya makakasama.
"P-Papa..." Humihikbing sabi ko habang pinupunasan yung lapida niya.
"Babe, tama na." Pagpapataha muli ni Russell habang marahang hinahaplos yung likod ko.
"M-Miss ko na siya agad Russ.." Lumuluhang sabi ko sa kanya. "H-Hindi ko na u-uli siya makikita."
"Sab.." Yun lang ang lumbas sa bibig niya.
Hindi na uli ako nagsalita at tinignan nalang uli yung lapida ni Papa. Ewan, hindi ko man lang naimagine dati na ganito pala. Hindi ko man lang naisip na dadating pala kami dito. Hindi ako handa, hindi kami handa nung iniwan niya kami.
Nilingon ko sila Mama na ngayon ay nasa gilid ko. Si Mama ay umiiyak parin habang yakap si Cohen. Si Cohen naman ay nakatingin lang din sa puntod ni Papa at lumuluha rin. Pakiramdam ko ay dumoble yung sakit na nararamdaman ko, parang triple pa nga ata.
Tumingin nalang uli ako sa lapida ni Papa. Pa.. miss na kita agad. Hindi ka na namin uli makikita. Ang hirap ng pakiramdam na wala ka Pa. Nakakapanibago, hindi ako sanay na di kita kasama Papa.
Matagal kaming nanatili dun, halos isang oras din. Buong oras na nandun kami ay wala kang maririnig na ingay bukod sa hikbi ni Mama. Sa bawat hikbi niya, ang sakit pakinggan. Ang hirap hirap talagang makita ng magulang mong umiiyak.
Pero maya maya rin ay si Mama ang unang nagsalita saamin. "A-Anak, uuwi na tayo."
Napatingin ako kay Mama saka mabagal na tumango. Nilingon ko pa yung lapida muli ni Papa saka bumulong nalang sa sariling isipan. Paalam, Sergio Rivero. Fly high Pa, mahal na mahal ka namin. Huminga pa ako ng malalim saka tumayo na.
"T-Tara na Ma." Sabi ko saka nagpunas ng luha.
Tumango nalang si Mama saka nag-umpisa ng maglakad habang inaalalayan siya ni Cohen. Kasabay ng paglakad ko ay ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko alam kung kelan ba titigil 'tong mga luha na 'to, siguro pag wala na yung sakit. Kelan pa?
Nung makasakay na kami sa taxi ni Papa ay pinaandar na agad yun. Yung tito ko ang nagdadrive nitong taxi. Hinabol ko pa ng tingin yung pinanggalingan namin hanggang sa di ko na yun natanaw. Ramdam ko na higpitan ni Russ yung hawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Magiging maayos din lahat babe." Mahinang sabi niya.
"Kelan Russ? G-Gustong gusto ko na." Mangiyak-ngiyak muling ani ko.
Rinig kong bumuntong hininga pa siya bago sumagot. "Siguro di pa ngayon babe, pero darating din yun."
Tinitigan ko pa siya ng ilang saglit pa bago sinandal yung ulo ko sa balikat niya. Sa ganitong paraan, pakiramdam ko may karamay ako. Pinikit ko din yung mata ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod na yun kakaiyak magmula kanina hanggang sa nakidlip nalang ako.
Sa araw na nagdaan, masasabi kong maraming nag-iba. Hindi ko na nakikita si Papa tuwing mag-aagahan kami. At parang mas tumahimik din yung bahay namin ngayon. Atsaka kapag naglalakad ako, nandun parin yung bigat sa bawat hakbang. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong nagpapakalunod sa emosyon ko pero natural lang naman siguro 'to lalo na't nawalan ako ng tatay.
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomansaSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...