Chapter 29

70 3 0
                                    

Nakatayo parin ako sa pwesto ko kanina habang nakatingin ng diretso sa dinaanan niya. Ewan pero para akong nanlamig kahit napakainit ngayon! Bukod sa sinabi niya saakin kanina, wala na nga atang mas lalamig pa dun. Hanggang ngayon, gulat parin ako. Simula naman kasi nung maghiwalay kami ay wala na akong balita pa sa kanya. Kahit na magpinsan sila ni Pat ay wala na talaga akong alam sa kanya.

"Ma'am!" Bigla ay may sumigaw sa likod ko, dahilan para mawala lahat ng nasa isip ko at lingunin kung sino yun.

Nakita ko si Kuya Guard, yung naghatid saakin dito papunta sa Restroom. Lakad takbo siyang lumapit sa pwesto ko. "Bakit po?" Tanong ko.

"Akala ko ay naligaw na kayo, Maam." Bahagyang natatawang saad ni Kuya Guard.

"Ah hindi naman po." Sagot ko. Pero nawindang ako sa nakita ko Kuya, jusmeyo.

"Nga pala Maam, tapos na po yung meeting ni Sir. Pwede na po kayo magpunta dun, nasa office na daw niya po siya." Sabi ni Kuya Guard.

"Ah sige po.." Ani ko.

"Sasamahan ko na po kayo papunta dun Maam."

Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya, pakiramdam ko ay nawiwindang parin ako sa mga nangyari kanina. Nagsimula ng maglakad si Kuya habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Hanggang ngayon ay nag-iisip parin ako, ano naman kayang ginagawa niya dito? Empleyado? Iniisip ko ngayon kung totoo ba talagang nakita ko siya o hindi. Baka mamaya ay naghahallucinate lang ako. Tuloy ay parang gusto kong tanungin si Pat tungkol sa kanya.

Sa haba ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na huminto pala kami dito sa tapat ng isang office room. Kung hindi pa magsasalita si Kuyang Guard, kanina ako nakatanga dito. "Ah Maam, pasok nalang po kayo dyan."

Nagising yung diwa ko sa sinabi niya. "Sige po Kuya, salamat po."

"Wala yun Maam, goodluck po." Sabi ni Kuya.

Maliit na ngiti nalang ang naitugon ko. Umalis na din si Kuyang Guard matapos nun kaya naiwan na akong nag-isa duon. Pero talagang lumulutang yung isip ko sa kanina, hanggang ngayon ay di parin ako nakakarecover dun. Tinapik tapik ko muna yung pisngi ko at bumuntong hininga, mamaya ko na iisipin yun. Hinawakan ko na yung siradura ng pinto saka pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob ay may kalakihan yung office na yun. Wala masyadong arte yung office na yun pero para saakin ay mas maganda yun. Pero mukhang mas mawiwindang pa ako nung makita ko kung sino yung nakaupo sa may swivel chair. Nakatingin lang ako sa kanya habang bahagyang nakamaang.

Putakte, siya yung boss nila? Ewan pero bigla ay parang may nagflashback saakin. Pinilit kong alalahanin kung ano yun hanggang sa natandaan ko na. Naalala ko na kwinento niya saakin dati na merong gustong ipamana sa kanya yung lola niyang farm. Sinabi niya yun nung mismong araw ng pagkamatay ni Papa. Ibig sabihin ay ito yun? Ibig sabihin.. kinuha niya yun? Kaya ba siya nandito kanina kasi.. siya may-ari nito?!

"Ah Sir, nandyan na po pala yung bagong applicant." Sabi nung babae sa tabi niya, secretary niya ata.

"Hmm." Maikling sagot niya.

"Maiwan ko na po muna kayo, Sir." Turan nung Sekretarya niya at nagnod pa, tinanguan niya lang din siya.

Wala akong nagawa kundi ang tignan lang silang dalawa. Ang pula naman ng labi nito, sana pinulahan niya pa. Naglakad yung babae papunta dito sa pwesto ko dahil nasa likod ko nga yung pinto. Binigyan niya pa ako ng ngiti at bahagyang tango bago tuluyang umalis duon. Ewan ko kung totoo ba yun o pamamamlastik lang. Hindi ko siya sinuklian ng kahit ano, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya at di ko na nakita.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon