Chapter 23

47 4 0
                                    

Matapos ng sagutan namin kanina, hindi na namin napag-usapan uli yun. Bahala siya, wala rin naman akong balak na makipag-diskusyon sa kanya. Mas pipiliin ko munang pagpuyatan 'tong mga requirements ko kesa sa away naming dalawa. Atleast kapag natapos ko 'to eh may mapapala ako. Sama ng loob lang ang makukuha ko kung mag-aaway lang kami.

"Oh anak, di ka pa ba matutulog?" Tanong saakin ni Mama saka umupo sa tabi ko.

Nandito kasi ako ngayon sa sala namin, ewan ko din ba kung bakit dito ko naisipan gumawa ngayon. Nakakasawa na din kasi dun sa pwesto ko sa kwarto namin, maiba naman. Saka minsan ay nagigising si Cohen sa ilaw kaya mas okay na dito.

"Tapusin ko lang 'tong sinusulat ko Ma, matutulog na din po ako." Sagot ko.

"Ganun ba?" Ani ni Mama. "Wag ka na masyadong magpakapuyat dyan, magpahinga ka din Nak."

"Nagpapahinga naman ako Ma." Pagdadahilan ko. Totoo naman kasi, hindi naman ako masyadong mabuting mag-aaral para magpakalunod sa pag-aaral.

Nakita ko na bumuntong hininga si Mama bago sumagot. "Pisikal kang nakapagpahinga, pero yung emosyonal?"

Bigla ay naguluhan ako sa tanong ni Mama. Lutang ata ako. "Anong ibig mong sabihin Ma?"

Umiling nalang si Mama. "Wala, kalimutan mo nalang yun."

Matagal akong napatingin kay Mama saka tumingin na muli sa sinusulat ko. Pero di rin nagtagal ay nagsalita uli si Mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Nga pala Nak, malapit na yung katapusan. Lilipat na tayo ng bahay, nasabi mo na ba kay Russell?"

Tuloy ay napatingin ako kay Mama, napaisip ako sa sinabi niya. Sa mga araw na nagdaan, hindi ko man lang naisip na sabihin sa kanya yun. Hindi ko alam kung dahil wala akong oras na masabi sa kanya yun o dahil nakakalimutan ko lang talaga na sabihin yun sa kanya.

"Hindi pa Ma." Maikling sagot ko.

"Bakit hindi mo pa nasasabi? Ibig kong sabihin, baka mabigla siya na lilipat nalang tayo bigla." Sabi ni Mama.

"Busy siya, ayoko siyang abalahin Ma. Tsaka, di naman siya siguro magugulat. Kakayanin naman siguro namin yung LDR." Sagot ko.

"Pero Nak.." Buntong hininga nalang ang naisagot ni Mama. Mukhang nag-aalangan siya sa sasabihin. "Hindi ko na kayo papakialaman, labas naman na ako sa relasyon niyong dalawa."

Maliit akong ngumiti kay Mama at sumagot. "Hayaan mo Ma, sasabihin ko sa kanya pag nagkausap kami."

Tumango nalang si Mama at sinuklian din ako ng ngiti. "Sige na, ipagpatuloy mo na yang sinasulat mo. Matulog ka na din, may pasok ka pa bukas."

"Opo Ma, good night." Sagot ko.

Nag-good night pa saakin si Mama saka humalik sa pisngi ko bago umakyat sa kwarto nila. Pinaalalahanan niya pa ako na tignan ng mabuti yung pinto kung nasara na daw ba, tumango nalang ako. Humigop pa ako sa kape ko para magising ng unti yung diwa ko saka nagpatuloy sa pagsasagot.

Gusto kong ipagpasalamat kila Dana, Thea at Sirene na nagnotes sila at pinahiram nila saakin yung mga noted nila para kopyahin. Dahil medyo napadali din nun na pag-aralan ko yung mga topics nung wala ako. For sure ay itong mga sinulat nila ay mga importante na sinabi lang ng prof namin at wala sa PPT. Ganun naman magnotes yung tatlo na yun.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon