Chapter 28

63 4 0
                                    

"Kamusta naman ang ganap sa buhay, inday badiday?" Tanong saakin ni Jhen.

"Wala paring trabaho, ano pa nga ba." Sambit ko nang hindi sila tinitignan atsaka bumuntong hininga.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay namin at nagpiprito ako ng fries ngayon. Nagpunta kasi sila Jhen at Ivan ngayon dito, Sunday na ngayon kaya wala silang pasok na dalawa. Actually, ngayon nalang uli nagpunta yung dalawang yan dito, lalo na si Jhen. Well, si Ivan naman kasi ay nakita ko nung nakaraang araw nung naghakot ako ng gamit sa opisina. Pero itong si Jhen, mas madalang pa kesa sa multo kung magparamdam.

Si Jhen ay isa rin sa mga naging kaibigan ko nung lumipat kami dito. Isa rin siya sa may alam sa sikreto ni Ivan tungkol sa kung ano talaga siya. Nakahalata kasi siya na may iba saaming dalawa ni Ivan nung sabihin nuya yun kaya ayun, nag-usisa at nalaman. Gaya ni Ivan, malapit lang din ang bahay nila dito. Pero dahil sa kabilang bayan siya nagtatrabaho eh stay in siya dun sa apartment niya. Tuwing weekend lang siya umuuwi kaya nandito siya ngayon.

"Ako na." Bigla ay sumulpot si Ivan sa gilid ko.

Napabaling ako sa kanya. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad, hinihingi yung siyanse saakin. "Sige, sabi mo eh." Saka inabot sa kanya yung siyanse na hawak ko.

Ngumiwi lang siya habang ako ay naglakad na papunta sa mesa namin kung nasaan si Jhen. Kapagod magprito 'no, hindi napupuno yung lalagyan namin. Paano ba naman kasi, tuwing maglalagay eh lalantakan din nila.

"Eh ikaw? Kamusta at wala kang paramdam." Sabi ko sa kanya saka kumuha nung fries.

"Sorry naman 'day, busy sa trabaho eh. Di ba pwede yun?" Sambit niya saakin, mahinang singhal lamang ang itinugon ko sa kanya. "Nga pala, diba sabi mo wala ka pang nahahanap na trabaho?"

"Oh? Tapos?" Tanong ko.

Kinuha niya yung phone niya na nasa mesa saka nagpipindot duon, di ko naman alam kung anong ginagawa niya. Matapos ay hinarap niya saakin yung phone niya, kinuha ko yun para mas matignan ng mabuti kung ano ba yung nakalagay.

La Fleur Farm is now searching for a new Accounting Assistant. Here are the requirements for those who are planning to apply.

Requirements:
• Resume
• NBI Clearance
• 1 year experience or more

For those people who want to apply, just text the numbers 09876493***/ 09124563*** or our email us on @Lafleurfarm to schedule an appointment with you. Thank you.

-La Fleur Farm HR Department

"Saan 'to?" Tanong ko kay Jhen habang binabasa parin iyon.

"Sa La Fleur, dun yan sa kabilang bayan kung saan ako nagtatrabaho. Tuwing umuuwi ako eh nakikita ko yang poster na yan kaya pinicturan ko na. Iniisip ko kasi kung wala ka pa bang nahahanap na trabaho." Sagot niya. "Alam mo, try mong mag-apply dyan. Malay mo lang naman diba, it's your time to shine sis."

Bat parang di ko naman alam 'tong farm na 'to?

"Sikat ba 'to?" Tanong ko.

"Nako, oo 'day. Sabi nila ay maganda daw dyan bumisita kasi flower farm yan. Maganda daw magpicture taking dun at magrelax relax kaya maraming taong pumupunta. Tsaka yung farm na 'yan eh nagbebenta din ng bulaklak sa dangwa sa Maynila."

Napatango tango nalang ako at tinignan lang yung phone niya habang binabasa yun. Paulit ulit ko lang nabinabasa yun, lahat naman ng kailangan ay qualified at meron ako. Nung maya maya ay dumating si Ivan.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon