Kinabukasan, maaga akong nagising nang mugto ang mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-iiyak ng tahimik dito sa isang gilid. Nakatulugan ko na nga lang ata yung pag-iyak eh. At kung hindi pa ako ginising ni Mama ay baka nakalimutan ko na ng tuluyan na ngayon kami lilipat ng bahay.
Sa bawat kilos na ginagawa ko kanina, sobrang bigat. Hindi ko alam pero sasabihin ko na ang bobo ko sa parteng ako yung nakipaghiwalay pero mukhang mas nahihirapan pa ako. Pero wala eh, buo na din yung desisyon ko.
"Ano kayang magiging lagay natin sa bago nating bahay Ate?" Tanon ni Cohen saakin.
"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.
Nakita ko na ngiwian niya ako. "Tch, ayos ka lang ba ate? Pansin ko din, parang maga yung mata mo. Nakagat ka ba ng ipis nung natutulog ka?" Sunod sunod na tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi."
Magsasalita pa sana si Cohen nung bigla ay dumating si Mama. "Tara na, sumakay na kayo at babyahe na tayo."
Tumango nalang ako bilang sagot, nauna naman na si Cohen papunta sa jeep. Dahil nga naghakot na ng ilan naming gamit dito sa bahay ay unti nalang yung dala naming mg malalaking appliances. Si Tito na siyang kapatid ni Papa ang katulong namin sa paglilipat, salamat nalang at may jeep siya.
"Alam kong mamimiss mo yung bahay na 'to Nak, lalo na yung mga memories niyong mag-ama dito." May maliit na ngiting sabi ni Mama.
"Hmm.." Maikling sabi ko.
Sa kabila ng pagiging malungkot ko sa hiwalayan namin ni Russell eh malungkot din ako dahil iiwan na namin 'tong bahay na 'to. Halos lahat ng masasaya naming alaalang magpapamilya ay dito nabuo. Kaya ang hirap lang ilet go ng mga alaala na yun.
"Nga pala Nak, nakapag-usap na ba kayo ni Russell na ngayon yung alis natin?" Tanong ni Mama.
Tuloy ay bumalik yung isip ko tungkol dun. Pero agad ay di ko natagalan yung nangwengwestyon na tingin ni Mama kaya ako ang unang nag-iwas saaming dalawa.
"Hindi pa Ma." Maikling sagot ko.
"Bakit hindi pa? Hindi pa ba kayo nagkakausap na dala--"
Pinutol ko yung sasabihin ni Mama. "Wala na kami Ma."
Saglit na natahimik si Mama sa sinabi kong yun, mukhang nagulat siya. Tumingin nalang ako ng diretso sa bahay na ngayon ay sarado na. Para saakin, wala naman na din sigurong saysay kung sasabihin ko pa sa kanya ngayong wala na rin naman kami. Ang panget naman nun kung sasabihin ko pa sa kanya ngayon na lilipat na kami ng bahay lalo na't wala na ngang kami.
"Nak.. kelan pa?" Pambabasag ni Mama sa katahimikan.
Nilingon ko si Mama na ngayon ay nag-aabang na ng sagot ko. "Kagabi lang Ma."
"Sabrina.. kaya ba mugto yang mata mo?" Tanong ni Mama saakin.
Nag-iwas ako ng tingin kay Mama saka mahinang bumuntong hininga at tumango nalang. Naramdaman ko na mag-init yung mata ko, nagbabadya na naman na umiyak. Pero bigla ay niyakap ako ni Mama na naging dahilan lang ng tuluyang pag-iyak ko. Hinaplos niya yung likod ko habang ako naman ay yumakap pabalik.
"Sab, Anak, bat di mo sinabi?" Rinig ko sa boses ni Mama na nag-aalala siya.
Suminghot ako at nagpunas ng luha. "G-Gabi na nun Ma.. tulog ka na. Nakakahiya naman kung mag-eemote ako sayo."
BINABASA MO ANG
Chasing the Dark (Squad Series#3)
RomanceSabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Well, siguro nadala niya na yung ugaling yun dahil siya talaga ang panganay sa kanilang dalawang magkap...