Chapter 39

68 3 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil nagsnooze yung phone ko. Notification lang naman pala iyon, hindi naman importante. Matutulog pa sana ako pero napagdesisyunan ko na bumangon na. Bumaling ako sa gilid ko at napansin ko na wala na si Russell sa tabi ko. Siguro ay nauna siyang nagising at nasa labas na. Lumabas ako sa kwarto at bumaba papunta sa sala, baka nandun lang yun.

Pero pagdating ko sa sala ay wala siya dun. Saan naman kaya napdpad yun? Nagpunta ako sa kusina at nandun siya sa may countertop. At ang siraulo, umagang umaga ay naglalaro na.

"Good morning babe." Bati niya habang nakatingin sa phone niya.

"Good morning." Bati ko pabalik, wow ha talagang di man lang ako tinignan. Pero di pa man din ako nagtatagal sa kusina ay may naamoy akong iba. "Bat parang may amoy sunog?"

Nilingon niya ako. "Anong amoy--- ay shet!" Bigla ay napasigaw siya at tumayo.

Nangunot ang noo ko sa aksyon niyang yun. Lumapit siya sa may kalan kaya tinignan ko iyon. At anak ng tokwa, napakalakas ng apoy niya! May balak ba siyang magsiga?! Mabilis niyang pinatay yung kalan, mukhang in panic siya ngayon. Tumingin siya saakin habang nakalip bite pa, natatakot na magsalita.

"Babe, wag ka muna mag-aalboroto." Sambit niya.

Marahas akong bumuntong hininga. "Takbo."

"Babe, anong.. takbo?" Nag-aalangan na tanong niya.

"Alis. Takbo." Atsaka ko siya inirapan.

Mukhang nakuha niya yung ibig kong sabihin at mabilis siyang umalis sa harap ko. "Magtatago na ako, tama?" Tanong niya uli. "Tama.. tatakbo ako. Oo nga hehe," atsaka siya umalis sa harap ko.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumasok siya sa CR. Nilapitan ko yung kawali na nasunog niya at mas nainis ako dahil pati yung kawali eh nasunog! Huminga ako ng malalim atsaka nagpunta sa CR kung saan siya pumasok. Ganda mg bungad ha.

"Ano bang naisip mo ha?! " Inis na sabi ko sa kanya.

"Babe, nalimutan ko lang. Sorry na," Sagot niya sa pagitan ng pinto.

"Sa lahat ng malilimutan mo, yung niluluto mo pa?! Eh paano kung hindi ko pa napansin na nangangamoy na yung niluluto mo?! Alam mo bang malelechon tayo dito kung sakali." Ani ko.

"Alam ko babe.. kaya nga sorry na eh."  Nagmamakaawang sabi niya.

"Tsh, napakalakas pa ng apoy mo. Anong akala mo ha, nagbabarbeque ka?" Inis parin na turan ko. "Pati yung kawali, sinunog mo."

"Ako nalang maghuhugas nun.. sorry na babe."

"Ewan ko sayo." At marahas na nagpakawala ng buntong hininga. "Tapos kanina hindi mo pa ako tinitignan."

"Babe..."

"Bakit? Rank game ba yun ha?! Mas importante yun kesa saakin?" Inis na sabi ko. Sa araw araw niyang naglalaro, andami ko ng nalalaman na mga salita mula sa bibig niya.

"Hindi." Maagap na sabi niya. "Iconfiscate mo nalang cellphone ko babe o kaya paputol mo yung wifi natin. Sorry na babe.."

"Bahala ka sa sarili mo." Sagot ko.

Nang maya maya pa ay may magkakasunod na nagdoorbell. Umirap pa ako ng isang beses kahit na di niya nakikita yun. Nagpunta ko sa pinto para tignan kung sino yun. Bahala siya sa sarili niya. Pero ang kaninang inis kong mukha ay nagbago nang makita ko kung sino yun.

Chasing the Dark (Squad Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon