Sorry for the late update. Exams namin at naging sobrang busy. Minsan lang ako makapaglagay ng bagong entry pag walang ginagawa or sinisipag hoho. Hope you like this.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alexis Chey's POV
Pinatay ko na ang makina ng motor ko at bumaba. Kasalukuyan akong nasa Batangas City. Lumingon ako sa paligid at malamig na tinignan ang mga taong nakatingin. 'Mga chismoso tsk'
Dala ang bag kong naglalaman ng ilang kagamitan ay sinimulan ko nang maglakad papasok sa aking tutuluyan sa loob ng isang araw pero duda akong magtatagal ako ng isang araw dito.
Pagkapasok ko sa loob, maayos naman at maliit lang ang lugar. Pagpasok ay may isang maliit na dining area, pagpasok naman sa isang pinto ay nandoon ang isang kama at tv, nasa dulong parte naman ang banyo. Malinis naman at walang problema sa ventilation dahil airconditioned ang kwarto.
Inilapag ko na sa tabi ng kama ang gamit ko at agad na inilabas ang laptop at tracker. Ayon doon sa information na ibinigay sa akin ni Ysabelle, mga 18 km ang layo ng mismong pinangyayarihan ng transaksyon sa bayan kung saan naman ako naroroon. Mas mabuti na ito at hindi nila ako ganoon kadaling masusundan kung may mangyayari man. Malapit sila sa pier, hindi na ako nagtataka dahil nagshi-ship sila ng goods and vice versa.
Kanina bago ako dumiretso dito sa matitirhan ko, I simply sneaked in sa location at pinaglalagyan ng tracker yung mga sasakyan nila. For now I'll just observe kung ano ang mga pinaggagawa nila. Naglagay nadin ako ng spy camera's sa iba't ibang bahagi ng factory/building but unfortunately sa labas lang ako nakapaglagay, hindi ako makapasok sa loob dahil sobrang higpit ng security mag-isa pa naman ako.
I'm really not good at fighting face to face, I more likely fight from afar. I once a snipper but I had been partnered with Ash so I slightly learned somethings. BUT I'm sure i'll be better. Praktis lang kelangan niyan.
So I was saying pinapanuod ko lang ang mga kaganapan sa location. I'm really irritated with those stupid frog faced goons na nag-iinuman. Tawanan lang sila ng tawanan. Naiirita na ako. Tumayo ako saglit at dinial ang number sa bahay, sabado nga pala ngayon. Siguro namamasyal sila Aki At Ron.
Naka-ilang ring bago may sumagot.
[Hello, Esque's residence. What do you need?] narinig kong sagot ni Nanay Rosi sa kabilang linya.
"Nay, si Alexis po ito."
[Alexis! Jusko kang bata ka! kamusta ka na? Asan ka ba?]
"Ayos lang po ako nay. Si Aki po kamusta na? Umalis na po ba sila ni Ron?"
[Ahh. mabuti naman kung ganon. Eh si Aki ay naandoon sa garden kasama si Ron, hindi daw muna sila gagala ngayon dahil gusto atang gumawa ng bahay-bahayan sa bakuran, Ayos lang ba sa iyo anak?]
"Oho naman po. Nay pabantayan nalang po muna si Aki ahh. Babalik din naman ako sa susunod na araw. Matapos ko lang po ang gawain ko dito. Sige po nay ingat kayo diyan."
Matapos kong patayin ay itinutok ko na ulit ang aking atensyon sa screen ng laptop ko.
I saw something move around the corner ng isa sa mga camera's na nilagay ko sa site. I tried to focused on that spot, luckily hightech ang mga spy camera's na gamit ko, thanks to Kuya Alex one's again.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...