Itinigil ko lang ng bike ko sa harapan ng isang malaking gate. Rinig ko rin ang pagtigil ng 2 sasakyan na nakasunod sa akin. Bago pa man makapagsalita ang security guard na lumapit sa amin ay pinakita ko na sa kanya ang badge ko. Tumango nalamang siya at sinenyasan ang kasamahan na buksan ang gate.
Hindi na ako namangha sa nakita kong 'grand entrance' ng bahay ni Mr. Blanco. Di na bago ang ganitong tanawin sakin. Lagi namang ganyan yung pambungad ng mga mansion. Tsk. Mga mayayaman nga naman.
Isang fountain ang nasa gitna ng harapan ng bahay. Isang kirubin ang naka-sculpture sa fountain. Sa gilid naman ay ang magandang landscape architecture ng garden. Iba't ibang bulaklak ang makikita ganoon din ang isang pambihirang nipa hut sa tabi. It was like a mini veranda, kubo style. Sa likod naman ng fountain ay kapansin pansin ang 3 story na mansion. Mukhang Arabian inspired ang bahay ni Mr. Blanco dahil sa mix ng gold at brown na kulay ng bahay. Ipinarada ko ang aking bike sa tapat mismo ng bahay. At saka ako bumaba, may mga lumapit sa amin na maid at butler. Ibinigy naman ni Ron at Kyle ang susi ng kotse nila para maiparada ng ayos.
"Miss your keys please." Magalang na sabi sakin ng isa sa mga butlers pero I refused to give my keys.
"I'd like to keep my bike in that position." kita ko ang pagkagulat sa mukha ng butler but tumango nalang siya.
"Lex, bakit ayaw mong ipaparada ang motor mo dun? " bulong ni Ron habang papasok kami sa mansion.
"It's my property and I don't like my property to be used or touched by anybody."
"Oh. Possesive Lex. Haha." Nauna na ako sa paglalakad. Si Ysabelle at Kyle naman ay walang humpay ang pagpuri sa mga nakikita nila sa mansion. Walang duda na mayaman talaga ang may-ari ng bahay.
Dumeretso kami sa isang eleganteng salas. Gold, brown at cream ang kulay ng interior ng mansion. Lakas maka-mayaman. Inabutan namin sa sala ang 3 bulto ng lalaki at 1 babae.
"Di ko na kailangan pa ng personal security unit dad. Dagdagan nalang natin ang security ng company at ng bahay." Pagpoprotesta ng isang naka-suit na lalaki. Siya siguro si Mr. Blanco.
"Son, it's all for your safety. Makinig nalang tayo sa dad mo ok?." Isang may katandaan naman na babae ang nagsalita. Sopistikada ang kanyang postura.
Napatingin naman sa amin ang isa sa mga lalaking naanduon, si Chief Marco.
"Mr. Senator, may I introduce to you the 1st unit of our department." Humarap naman kami sa kanila. At sumaludo sa senador at kay chief.
"So this is the team that will lead my sons personal security? Pleasure to meet you." Isa isa kaming kinamayan ng senador at narinig ko pa ang sinabi ni Ron na 'the pleasure is ours Senator Blanco'
Pinaupo naman kami sa couch. Duon kami umupo ni Ron sa pandalawahan habang si Ysabelle at Kyle ay katabi sa upuan si Chief. Kaharap namin si Mr. Blanco at si Mrs. Blanco. Pinapagitnaan kami ng isang lamesa at syempre ang nasa aisle ay si Senator Blanco.
"So, my team just recieved the information about your sons case last week. We already have a review about it and we came up with the idea of following Mr. Blanco's personal or business activity 24 hrs for a month." Panimula ko. Napa-'what the f*ck' naman si Mr. Blanco at agaran siyang tinapik ng kanyang ina.
"Why is it only 1 month?" Tanong naman ni Senator.
"That's our estimated time to capture the smugglers that you had messed with Sir." Napatango naman siya.
"Agent Ace, if it is 24 hours of security and this case has a cold case background. May I suggest that your team personally secures Mr. Blanco's security?" Napa-isip din agad ako sa sinabi ni Chief. Tinignan ko sila Ysabelle at Kyle. They just shrugged. Binalingan ko naman ng tingin si Ron.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...