Third Person's POV
Tahimik ang naging biyahe nina Alexis at Vince. Bukod sa direksyon na binibigay ni Alexis papunta sa mansion ay wala na silang iba pang pinag-usapan.
Bumungad sa dalawa ang isang malaking gate na may pawang seal sa mismong gitna, bulaklak na may nakaukit na E.
Ang laki naman nito. Isip isip ni Vince.
Itinigil ni Ron ang kanyang sasakyan sa harapan ng malaking gate. May lumapit namang guard sa kanila,bahagyang ibiniba ni Vince ang bintana kung saan siya nakaupo.
"Magandang Umaga Sir, ano pong sadyan niyo?" Magalang na bati ng guard.
Dumungaw naman sa bintana si Alexis. Halata ang pagkagulat sa mukha ng nagbabantay.
"A-h! M-maligayang p-pagbabal-lik Miss Alexis!" At sasabay sabay silang nag-bow. Isang tango lamang ang ibinigay ni Alexis. Kasunod noon ang pagbubukas ng malaking gate.
Hindi mapigilang mamangha ni Vince. Sino ba namang hindi? Napakalaki, napakalawak, napaka-engrande at elegante ng residensya ng mga Esque.
"Baka pasukan ng langaw yang bunganga mo Ron." Natatawang sambit ni Alexis. Mismong siya ay bahagyang namangha, ganoon parin kaganda ang kanilang pamamahay.
"Dito ka ba talaga nakatira?" Binalingan ni Vincent si Alexis ng tingin. Tumango lamang ito habang nakatingin sa labas.
Kasalukuyang tinatahak ng dalawa ang mahabang pebble road na ginagabayan ng mga bloke ng rosas sa gilid at pila pilang pine tree patungo sa mismong mansion. May malawak na bakuran ang mga Esque. Sa kanan , isang malawak na field na halos kasing laki ng isang full sized football field sa. Sa kaliwa naman ay isang napagandang floral garden.
Mommy..
Isip isip ni Alexis. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang mga luha. Bumabalik sa kanya ang mga alaala ng mga magulang noong nabubuhay pa sila.
She and her mother used to garden on their fields. The two of them are incharge of the 'beautification' of the whole mansion.
As they arrive at the entrance of the Esque's Grand Mansion, mas lalong namayani ang pagkamangha kay Vince.
"Mayaman naman pala kayo Lex eh, bakit ka pa nagpulis?" Takang tanong ni Vince kay Alexis habang pinagbubuksan ito ng pinto.
"Tsk. Kasi gusto ko." Inis na sagot naman ni Alexis. Siya na ang umuna sa pagpasok sa mansion.
Sumalubong sa kanila ang 4 na butlers at may sa halos 20 na maids.
"Welcome back Miss Alexis." At sabay sabay silang nag-bow.
"Nasaan si Aki?" Tanong ni Alexis sa Head butler ng mansyon na si Sir Emman.
"Nasa playground po siya Miss." Tumango lamang si Alexis. "Ahm. Emman, pakisabi naman kay Nanay Rosi na dalhin nalang ang tanghalian sa may garden, maghanda kayo ng mga lamesa at sabay sabay tayong kakain."
Akmang aapela pa sana ang ginoo pero kusa siyang napangiti at nag-bow bago umalis.
"Di naman halatang na-miss mo ang mga tauhan niyo noh?" Bahagyang napatawa si Vince. Habang naglalakad ay inaalalayan niya si Alexis.
"Medyo. It's been a couple of years since I enter our house."
"House!? Kung 'house' lamang ito para sayo, so yung bahay namin kubo lang?!" Napatawa naman si Alexis sa biglang pagsigaw ni Vince.
Kung sabagay, napakalaki ng kanilang 'bahay' para hindi ituring na mansyon.
Mangilan-ngilan na mga tauhan ng mansyon ang napapatigil at napapatungo pagnakakasalubong sila Alexis. Naninibago sila sa galak na tawa na nagmumula kay Alexis. Ngayon lamang nila ulit nasilayan at narinig ang tawa ng amo mula ng ito ay bumukod sa magulang.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...