Kakauwi ko lang sa bahay. Hinatid ko muna si Nanay Rosi at Aki sa mansion. Ngayon mag-isa nalang ako dito. Ayaw pa sanang pumayag ni Nanay na isasama ko siya kay Aki but mas kailangan siya ng bata.
Lalo akong nalulungkot kung lagi akong maglalagi dito sa bahay na mag-isa. I need to finish this damn case as soon as possible para makasama ko na ulit si Aki.
Nag-impake na ako ng gamit. Senator Blanco insisted na doon daw muna kami sa mansion within the whole month. No big deal sakin. Kasi kasama ko naman ang team ko.
As soon as naitapak ko ang aking paa sa pinto ay napatingin sakin lahat ng tao sa loob. Mukhang andami nila.
"Agent Ace!" Sabay sumaludo ang ibang mas mababang rango sa akin. Tumango lang ako in response.
"Goodmorning sir." Bati ko sa Senador.
"Hija, ikaw na ang bahala sa anak ko. Aasa akong mahuhuli niyo sila."
" yes sir." Umalis na siya at kasabay noon ay ang paglabas ng iba pang kapulisan na nasa loob ng mansion.
Lumapit ako kay Mr. Blanco kasunod sila Ron, Ysabelle at Kyle, tumingin naman siya saakin.
"So let me formally introduce you to my team. I'm Alexis Chey Esque, this is Ron Vincent Salvador. This lady beside me is Ysabelle Tan and this guy is Kyle Villaflores. "
" Arvin Blanco, you can call me Arvin nalang for less formality" sabay kamay niya sa amin.
"Ok. So Arvin, ako at si Ron ang maiiwan dito sa mansion para sa security mo, the two of us will come with you wherever you go. Ysabelle and Kyle were incharge sa pagkuha ng bawat detalye. They will be your eyes from afar." Tumango naman siya.
"Si Ron ang mago-occupy ng kwartong katabi mo. While ako naman sa katapat na kwarto. So now let's start our work."
------------
1 week had passed.
Everyday, kay Ysabelle dumederetso ang schedule ni Arvin. Si Kyle ang namamahala sa security ng bahay at ng opisina ng mga Blanco.Ngayon, we are heading sa isang japanese restaurant para sa dinner meeting ni Arvin. Nakasakay ako sa aking black BMW. Si Ron at Arvin naman ay nasa limousine. Pinapasakay nila ako sa kotse but I like it more na sa motor ako sasakay.
"I'll stay outside."sabi ko atsaka naman hinatid sa lamesa nila si Arvin. Si Ron naman ay sa kabilang table umupo. Naka-upo lang ako sa motor ko. Buti at hindi ako masyadong nilalamig. Naka-maroon leather jacket ako at sa loob naman ay naka white na sando. Match naman sa black skinny jeans at high-cut boots ko. As always naka-braid ang buhok ko at naka-cap akong black. Yeah, fashion on duty.
Mayamaya ay dumating na din ang ka-meeting ni Arvin. Isang japanese. As expected may mga naiwan din na guards sa labas. Sinundan ko lang ng tingin ang bawat kilos nila sa loob ng restau. So far, wala namang kaduda duda.
"Agent Cloud, do you copy?" Pasimpleng sabi ko sa earpeace ko na naka-connect kay Ron.
"Copy." Sagot niya
"Patapos na ba yan? Nagugutom na ako, wala pa akong tanghalian." Sinabi ko talaga ng may nakakairitang tono. Panong hindi eh sa gutom ako, what's worst ako pa ata ang gustong gawing dinner nitong mga bodyguards nung hapon na yon. Kung makatingin!
"Sino ba kasing nagsabi na wag kang kumain? Patapos na ito. Their already signing the cotract. "
"Good. Dahil pagnagtagal pa yan. Wala ng mga mata ang mga bodyguards niya. Tsk"
Tumawa nalang naman siya.
May nakaagaw naman ng pansin ko. Isang van ang tumigil sa may tapat ng restau. Kitang kita ko sa side mirror ng motor ko ang pagbaba ng 4 na lalaki. Tsk. Mga mukhang hindi katiwa tiwala.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...