Chapter 17

1 0 0
                                    

Ron Vincent's POV

Kasalukuyang natutulog si Lex sa may shotgun seat. Buti naman at napasaya ko siya ngayon. I really don't know but I think I'm being attached to this women a lot. Siguro dahil lagi kaming magkasama at unti unti ko pa siyang nakikilala.

*bzzzt bzzzt bzzzt

Unknown caller

"Hello? Sino to?"

[....]

"Kung sino ka man, I have no time for pranks." Akmang ibababa ko na ng may marinig akong mahinang tawa mula sa kabilang linya.

[Oh really Salvador. Wala kang panahon para sakin? Bakit nakakita ka na ng magandang pagtataguan?]

Nang marining ko ang boses na iyon ay bigla kong nai-preno ang kotse. Hinding hindi ko siya makakalimutan. Napangisi ako nang maalala ko ang taong kausap ko ngayon.

"Hindi ako nagtatago Briones. Hindi rin ako tumatakbo."

[Ha! Ang lakas din ng loob mong sabihin iyan Salvador!]

"Bakit? May problema ka ba Briones? Sa tinagal tagal na nating magkakilala hindi mo parin ba saulado ugali ko?"

[Dalawang taon Salvador. Dalawang taon ka nang nagtatago, mukhang bahag na ang buntot mo haha.]

"Isang ulit pa. Hindi ako nagtatago. Sabihin na natin na hinahanap mo lang ako dahil hanggang ngayon hawak ko parin ang kailangan mo."

[Wait until I get my hands on you Salvador! Katapusan mo na!!]

"Can't wait to put you behind concrete bars Briones." I decided na patayin ang tawag. Tsk!

"Sino yon?" Muntik na akong mapatalon sa aking kinauupuan nang magsalita si Lex.

"An old friend." At inistart ko na ulit ang makina.

"Hm. It seems like both of you are quite close." Sarcastic na tugon ni Lex.

Hindi nalang ako umimik pa at ipinagpatuloy ang pagdadrive.

-----
Pagdating namin sa mansion ng mga Blanco ay sinalubong ako ni Ysabelle.

"Sir natrace ko na po kung saan nanggaling yung bala na pina-examine niyo sa akin kahapon." At iniabot niya sa akin ang isang folder.

"Good job. Lex and I will check it first." Tumango lang siya at bumalik sa kung saan man siya nanggaling kanina.

"Ron, I'll just change first. We will discuss that in the garden."  Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko at umakyat na siya ng hagdan.

Nagpalit nalang din ako ng damit at pumunta na ako sa garden ng mansyon. Hindi din nagtagal ay sumunod na din si Lex.

"So what was the result?" Pagsisimula ni Lex ng usapan.

"I still haven't read the papers yet." Nag-nod lang siya.

Lumipas ang ilang oras ng hindi kami masyado nag-iimikan ni Lex. Focus na focus kami sa investigation namin. We are taking down notes.

"Ron.."

"Hm?"

"I have something to tell you about the results of the bullet."

"What is it?" Ibinaba ko muna ang hawak kong lapis at ilang papel para mapagtuunan ng pansin ang sasabihin niya.

"I know the difference between a personalized bullet or gun to a market gun. You get me?"

Napakunot ang nuo ko. What is she implementing?

Monster HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon