CHAPTER 4
Vincent's POV
Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor, eh kasi dito napiling magmeryenda ng napa-cute este gwapong bata na anak pala ni Lex.
"Mama, gusto ko po ng rocky road tapos madaming chocolate syrup tapos po may waffer sticks tapos po may extra nuts, chocolate,and marshmallows hahaha."
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may anak na si Lex. Eh kasi naman po sa ugali niyang yon? Ewan ko nalang. Pero mukhang maganda naman ang pagpapalaki niya kay Aki. Mabait, magalang at matalino ang bata. May pagkapilyo nga lang.
" Tito RV, ano po gusto niyong ice cream? Masarap po ang ice cream nila dito, lagi kaming kumakain nila Papa dito dati... Order na po kayo si Mama na po bahala sa pangbayad haha." at may pagkamadaldal siya.
" Aki!! Hoy Ron, ikaw magbabayad ng kakainin mo ha," sabat naman ni Lex. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.
" Okey okey, ako na ang magoorder, ano ang sayo Lex? "
" 2 scoops ng Capuccino at isang scoop ng vanilla, extra marshmallows"
" Okey"
Habang na-order ako sa counter, todo pa-cute yung cashier, Hindi naman maganda. Mas maganda parin yung girlfriend ko syempre.
" Itu na pu sir, hihi, itu na din pu ang sukli mu." langya! bisaya pala si ati haha. Tumango nalang ako at umalis na sa counter.
Habang nilalagay ko ang mga order namin sa lamesa, medyo narinig ko yung usapang ng grupo ng kabataan sa kabilang table.
" Ang cute nilang tignan noh? "
" Oo nga, happy family"
"Ang gwapo naman..." yeah, alam kong gwapo ako, don't state the obvious miss ".. nung bata noh?"
" Super!!"
Okey~ medyo pahiya ako dun, buti nalang at sa isip ko lang haha.
" Thank you po/ Thank you" sabay na sabi ng mag-ina.
" Welcome! Tara kain na."
Habang kumakain, napoportrait ko kung gaano ka-ganda ang relasyon nilang dalawa. Ang lambing nilang dalawa. Makulit. I never thougth na may ganitong side si Lex.
" Lex..."
"Yep ?" tumingin siya sa akin pagkatapos punasan yung amos ni Aki.
" If you don't mind? Sino..."
"Ang tatay ni Aki? Alam kong itatanong mo yan, pero pwede bang hindi ko sagutin?"
" Okey, I understand. Kung sino man ang daddy ni Aki, ang malas niya sa pag-iwan sa inyo."
Totoo naman eh, Just looking at the two of them. Perfect.
Ngumiti lang si Lex sa akin bilang tugon.
Siguro ang hirap ng pinagdadaanan ni Lex ngayon. Now I think, I understand why she always acted that way against sa mga Santos.
Mahirap at masakit mawalan ng isang importanteng tao sa buhay mo. I felt that way when my Daddy died. But then again, I recovered easily because Kim came into my life.
I can't imagine what Lex is undergoing. Si Ash ang katulong niya sa pagpapalaki kay Aki, at nung namatay siya, sinolo ni Lex ang lahat habang nagluluksa sa pagkamatay ni Ash.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito kami ngayon sa park. Naka-upo kami ni Lex sa isang bench katapat ng playground. And there goes Aki. Laro lang siya ng laro .
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...