Vincent’ POV
She’s impossible -.-!
“ Chief! Siya na ba talaga ang makaka-partner ko? Sure na ba kayo? Kita niyo naman, mas siga pa sakin yun oh! “.
“ Oo naman noh! Tsaka wala ka nang choice. Vincent alagaan mo si Lex ah. Siya ang reyna ng department natin.” Sabi ni Chief
Aba’t talaga nga naman , trabaho ng pulis ang pinunta ko dito at hinde ang mag-alaga ng isang maton.
“ Reyna agad Chief? Hindi ba pwedeng prinsesa muna?”
“ Wala na kasi yung hari. Osya sige. Magtrabaho ka na” at pinagtulakan na ako ni Chief palabas ng office niya.
“ Wait Chief!! Asan yung hari? “ pahabol kong tanong
“ Nasa heaven na.” sabay sarado ng pinto.
Nasa heaven na? Hala! Delikado pala yung partner ko. Nako naman
Habang naglalakad ako, madaming bumabati sa akin, ‘Goodmorning’ & ‘Welcome bro/pare’ ang kadalasan kong natatanggap. Tumigil ako sa isang cubicle kasi nakita ko yung bago kong partner.
“ Goodmorning pare! Jonas Ramos nga pala, welcome to the station” bati sa akin ng lalaking may bad boy look, pulis ba talaga to?
“ Morning too bro, Vince Salvador nga pala. Thanks” naka-ngiti kong tugon. Mukhang mabait naman siya.
“ so as I was saying Lex, lie-low muna kayo sa kaso tungkol sa mga Santos. “ saad ni Jonas
Kumunot naman ang noo ni Lex, halatang hinde niya nagustuhan ang sinabi ni Jonas
“ hinde yan pwede! Alam niyo kung gaano ka-importante ang kasong to sa akin, tas sasabihin niyong wag akong makielam?!” medyo tumaas ang boses niya, sheez! Nakakatakot naman si Lex.
Nakatingin na ang iba pang pulis sa kanilang dalawa.
“ Alam nating lahat kung gaano din kainit ang pangalan mo sa kanila! Kaya makinig ka na muna, pag nakahanap na kami ng lead saka kayo pwedeng makialam! “ sumisigaw na din si Jonas
“ Bro easy lang,” sabi ko kay Jonas, baka masapak pa nito si Lex eh
“ NO!! I disagree to that!” – Lex
“ You have no choice Lex, it’s an order “ – Jonas
“ I’ll talk to Chief about this! “ – Lex, sabay naglakad papuntang office ni Chief
“ I’m the one who ordered that Lex, it’s for your safety.” Singit ni Chief sa usapan ng dalawa, katabi ko na pala si Chief hindi ko man lang naramdaman.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...