" I have always found that mercy bears richer fruits than strict justice." - Abraham Lincoln
CHAPTER 6
Alexis Chey's POV
Uggh! Grabe ang sakit ng katawan ko, lintek na gang yun! Ako pa talaga yung napili nilang biktima, tsk. Mga kabataan talaga tsk tsk!
Nang minulat ko ang mata ko, nasa hospital na pala ako. Sinubukan kong tumayo.
"Ah!" biglang umikot ang paligid ko.
" ay jusko po! "a
Napatingin ako sa biglang napasigaw, si Manang Rosi lang pala.
"Kamusta na ka hija? Ano ang gusto mo? " nag-aalalang tugon ni Manang Rosi.
" Ayos lang po ako Manang, si Aki po?"
" Ah oo, nasa clinic siya ni Dr. Santiago, pinalipat siya doon dahil iaanalyze pa yung kondisyon niya. Wag ka ng mag-alala ayos na siya." Nginitian lang ako ni Manang Rosi.
Habang abala sa pag-lilinis ng kwarto si Manang Rosi, nanunuod lang ako ng balita.
" Kasalukuyan po akong nasa **** headquarters, dito dinala ng isang pulis ang mga nahuli niyang mga kabataang myembro ng isang gang kagabi. Sinasabing may biniktimang mga kabataan ang nasabing gang. Mabuti nalamang at natiyempuhan ng pulis ang mga ito. Nakatamo ng ilang sugat ang sinasabing pulis na hanggang ngayon ay palaisipan kung sino... "
Napa-buga nalang ako ng buntong hininga dahil sa narinig kong balita. Yeah, ako yung pulis na tinutukoy sa balita. Ay nakoo.
Pinatay ko nalang ang t.v at nahiga. Pakiramdam ko ang pangit ko na dahil sa mga galos na natamo ko. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng mga batang yon, at naisipan nilang gawin yun. Tsk tsk.
Dumating naman yung nursse at tinurukan ako ng gamot. Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkadilat ng mata ko, may lalaking na yuko sa may tabi ko.
"Sino ka?" Agad naman siyang nag-angat ng tingin.
"Lex..." si Ron lang pala.
"Anong ginagawa mo dito? Dapat nasa headquarters ka, sino ang mag-iintindi ng mga kaso habang wala ako?"
"Grabe ka naman, binibisita lang kita. Atsaka, wag mo nga munang isipin ang trabaho, ayan nga't nakaratay ka pa diyan tapos trabaho ang iisipin mo. Magpagaling ka muna bago ka magtrabaho, mahirap magkaron ng kapartner na may iniindag sakit..."
" Akala ko ba bibisitahin mo ako tapos ngayon sesermunan mo ko..." nag-iwas ako ng tingin.
"Umalis si Manang Rosy para bantayan si Aki... Wag ka nang mag-emote diyan!... anong gusto mo?" Ron
"Hindi ako nage-emote! Gusto ko ng apple, yung walang balat..." Ako
"Sabi mo eh..." tapos binaltan nalang niya ako ng apple hanggang sa maka-ubos ako ng 3 mansanas.
*tok tok tok
" Pasok!" si Ron na ang nagsalita kasi nga nakain ako.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...