Chapter 9

10 1 0
                                    

CHAPTER 9

Vincent's POV

"Kumalma ka muna Vince, hayaan na muna natin si Lex. Nabigla lang yun alam naman natin kung gaano kaimportante ang kasong ito sa kanya." Pag-aawat ni Chief Marco sa akin. Hindi kasi talaga ako mapakali, para akong timang na nagpa-ikot ikot sa loob ng opisina ni chief dinaig ko pa ang kanta si Sarrah Geronimo na Ikot tsk.

" Chief pano ako kakalma eh nowhere to be found nga si Lex?!" nanlulumo akong umupo sa sofa. Ang tanga ko kasi eh tsk!

"Ano ba Vince! Huwag ka ngang O.A diyan! ..." sigaw ni Jonas. Nandito din siya sa office ni chief "... kilala ko si Lex, she won't do anything stupid nang dahil lang galit siya sayo. Just give her enough time para makapag-isip. Pagkumalma na sya alam kong hahayaan ka niyang mag-explain okey?" at tinapik niya ang kaliwang balikat ko at umupo sa tabi ko. Nasa harapan naming dalawa si chief, naka-halumbaba siya at nakatingin sa tsaa sa harapan niya.

"Tama si Jonas, just give her some time. Alam kong inis na inis yun sayo kasi nasayo na nga ang target napakawalan pa, but I'm not blaming you dahil hindi mo naman kilala talaga yung target well kilala mo siya but not personally at alam ko namang hindi mo talaga inakalang si Kimberly at ang girlfrie-"

"EX-girlfriend!?"

"Okey sorry, EX-girlfriend mo ay iisa."

Nanaig ang katahimikan sa aming tatlo.

*Riing Riing

Nagulat kami sa biglang pag-ring ng telepono ni chief.

"Hello... Hija kamusta ka na? Nasan ka ngayon?... okey kung yan ang gusto mo pero hija dapat pakinggan mo ang side ni Vince... sige... sigurado ka ba?... Paano si Aki?... Ayos lang sayo... Osige naiintindihan ko... Mabuti naman kung ganon... Mag-iingat ka.. bye"

Nakatingin lang kami ni Jonas kay chief, alam ko si Lex ang kausap niya. Matapos ibaba ni chief ang telepono ay tinignan niya ako ng seryoso.

"Vince pinapasabi ni Alexis na huwag na huwag mo daw pababayaan si Aki bukas, she might be angry to you pero ayaw niyang masira ang pangako niya sa bata. Sana pangalagaan mo si Aki Vince, he's so precious to her okey?"

Hindi ko alam pero ang saya ko, atleast pinagkakatiwala parin niya sakin si Aki kahit papaano.

"Eh chief kamusta nanaman daw po siya?" tanong ni Jonas. Oo nga pala, tinignan ko lang si chief

"Ayos lang daw siya, may tatapusin lang daw siyang trabaho, ayaw naman niya ng back-up kaya wala akong magawa paniguradong itataboy niya ang mga ito kaya hahayaan ko nalang muna siya, may tiwala ako sa batang yon."

Medyo napanatag nanaman ang loob ko sa balita ni chief, pero hindi parin maalis ang pangamba sa pusoko hindi ko alam kung bakit pero sana hindi mapahamak si Lex. Hindi ko iyon makakayanan lalong lalo na't ako ang dahilan ng kaniyang pag-alis.

Napag-usapan namin nila chief ang iba pang bagay tungkol sa kaso na hinahawakan ko, kinuwento nila sa akin ang lahat, si Lex ang nakapatay sa daddy ni Kim, si Kim ang nagpatuloy sa gawain ng kanyang ama, at sinasabing yung kapatid ni Kim ang naka-patay kay Ash. Si Ash na pinsan nila Kim, YES! They're relatives but Ash choose to be in the right side.

I really can't believe na ganoon kalalim ang namamagitan kanila Kim at Lex. Ang sabi pa ni chief iyon daw ang unang kaso ni Lex na hinawakan simula noong tumungtong siya sa pagiging pulis. Pero habang naghahanap ng lead ay nagagawa niyang hawakan ang ibang kaso. But she worked alone since Ash died.

Monster HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon