Chapter 3

21 1 0
                                    

CHAPTER 3

Vincent's POV

6 weeks. 6 weeks na ako dito sa headquarters, medyo nakaka-adjust na ako kahit papaano at gamay ko na ang mga patakaran dito. Mababait naman yung mga ka-opisina ko. Meron silang parang 5 golden rules dito.

#1 

Don't leave you're fellow agent behind. We are a family. 

#2 

Take good care of each other.  

#3 

Respect everything around you. Be sensitive to what are you going to say or do. 

#4 

Be honest at all times. 

#5 

We are cops. We will work with dignity and honesty. Applying the law is what we do.

Ang ganda ng mga rules nila eh. Diba? Nagulat ako nung malaman kong si Lex at Ash pala ang may gawa niyan. The rule was legalized 5 yrs ago. 

I always thought of how colorful this office was when Ash was still here. Minsan napapaisip din ako kung ano ba talaga siya dito sa headquarters.

At sa 6 weeks na pananatili ko dito may isang bagay lang talaga na hindi ko maintindihan. Yun yung office shift ni Lex. alam nyo bang sa isang linggo 4 na beses lang siya papasok sa tamang oras. Sabi ng iba ganun daw talaga ng pasok ni Lex. Sa monday 10 a.m na siya papasok tapos sa friday naman sobrang aga umuwi 3 p.m palang aalis na. and ito pa kaya niyang magstraight duty as in overtime monday afternoon to friday afternoon and saturday. basta pag Sunday, day-off niya. Nagtatanong-tanong ako kay Chief kung bakit ganun ung schedule ni Lex ang lagi nilang sabi 'BUSY' daw siya. And I was like 'HUH?'. Pero sa nakikita ko naman, she's really working hard para maisagawa ang mga trabaho niya pagnasa opisina siya. Hindi ko lang talagang maiwasang magtaka kung anong ginagawa niya sa mga oras na yun.

This week lang. It was thursday night ng makatanggap kami ng isang mission. Hostage act. Inabot kami ng friday ng tanghali para sa negotiation sa mga nanghohostage. Wala pa kaming kain at tulog, lalo na si Lex. Nakabantay siya sa may bintana lagi para bantayan yung mga bata. The hostage act happened in a orphanage. Yung mga madre naman walang magawa natatakot silang lahat at lalong lalo na ang mga bata.

Bakas sa mukha ni Lex ang pagaalala para sa mga hostage at the same time ang pagka-inis dahil sa mabagal na proseso. Sa sobrang inis niya binaril na niya ng pampatulog yung iba at yung iba namang hostager binugbog niya. May ilang galos siya. Gulat na gulat nga kaming lahat sa ginawa niyang sudden move. Natapos niya yon within 30 min.

Mabilis niyang pinalabas ang mga bata at madre. Tuwang tuwa silang lahat sa pagliligtas ni Lex sa kanila. Maging kami.

naabutan ko syang ginagamot ang mga galos niya.

" Tsk! naku naman, patay nanaman ako nito kay Aki. Bwisit na pangit yun! ginalusan pa ako."

"Oo nga ang pangit nung nakalaban mo haha." sabi ko sa kanya

" Anong ginagawa mo dito? " iritading tanong niya

" Kinakausap ka, baka mapagkamalan ka nila sister na may sira sa utak, salita ka ng salita dito ng walang kausap." sabay upo sa tabi niya.

" Tsk." Hindi nalang niya ako pinansin at patuloy na ginamot mga galos niya.

" Ako na po." sabay kuha ko ng bulak sa kanya. Halata naman kasing nahihirapan siya sa paglalagay ng gamot eh. 

Sinimulan ko ng gamutin ang mga galos niya sa mukha. Naka-poker face lang siya at paminsan minsan ay napapapikit at umaaray pag medyo napapadiin ang lapat ko ng bulak.

Napansin kong palagi siyang natingin sa wristwatch niya. " May lakad ka ba Lex? "

"Wala naman." sabay kuha ng bulak sa kamay ko " Ako na nga! Tsk! May galit ka ata sa akin eh, ang diin mong manggamot, bawal kang maging doktor haha."

Napatulala nalang ako sa ginawa niya. " T-tumawa ka!"

" Huh?"

" Lex! Tumawa ka haha first time yun! " amaze na amaze ko siyang tinignan.

" Baliw ka na Ron. Osya alis na ako, thanks sa pagtulong"

At ganun ganun nalang siya umalis. Sabi ko na nga ba at may lakad siya eh. halatang nagmamadali. Sabagay Friday ngayon.

Tamang tama. alas tres siya umalis. As always. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Friday afternoon, sobrang busy ng lahat. May bago kasing lead kaming nakuha. Although hindi siya ganun ka-accurate pero atleast may magagamit parin kami.  

Andito ako sa office kasama si Lex at yung dalawang investigator , Kyle and Ysabelle. Kami ni Lex ang nagle-lead sa group para sa imbestigasyon pero hindi pa kami pwedeng isama sa field kasi baka madala sa kanyang emosyon si Lex at mabulilyaso kami.

" Kyle, saan ang exact location ng business?." maotoridad na tanong ni Lex

" Sa may Batangas, sabi ng iba naming sources palaging may mga convoy na nagpupunta doon. At pagnalabas sa sasakyan ay may mga dalang baril." tumango lang si Lex sa sinabi ni Kyle.

" Ysabelle, diba pinapakuha kita ng pictures kung saan ang location? Na-ayos mo na ba? kelangan ko yun this afternoon okey?"

" Yes Ms. Alexis. Pero paano po yung ibang location na may posibilidad na dun sila nagsasagawa ng negosasyon? "

Napaisip bigla si Lex sa sinabi ni Ysabelle. Tama siya. hindi kayang tutukan ni Lex ang higit sa dalawang location. masyong malayo ang Batangas .

" Ako nang bahala dun sa iba, tapos i-didistribute ko nalang sa ibang unit ung iba para mas mapadali." pagrerepresenta ko.

" Okey, that's a good idea. Bukas pupuntahan ko na yung batangas location." - Lex

" Bukas agad? Sinong kasama mo?" pagtatanong ko, grabe naman bukas agad?

" Wala, hindi ko kailangan ng back-up, pupuntahan ko lang at ako mismo ang mag-oobserve. Hindi pa ako ganun ka-boba para sumugod ng basta basta kung lam ko rin namang dehado ako." malamig at puno ng sarcasm niyang sabi.

nanahimik nalang kami at itinuloy ang mga ginagawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~

*tok tok*

" pasok" ako na ang sumagot.

" May naghahanap na gwapong haha binata kay Ms. Lex" - Jonas

" Sige papasukin mo." sagot ni Lex ng hindi nilingon man lang sa pintuan masyado syang tutok sa laptop niya. Nagtatrack siguro to.

Nagulat ako ng may biglang maliit na taong pumasok sa opisina. Ang cute ng batang ito.

" Shhhh. " Signal niya kanila Kyle at Ysabelle. Mukhang nakuha naman nung dalawa at tumango. Ako naman ay naguguluhan parin sa ma pangyayari. Tumingin sa akin ang maliit na bata at kinindatan ako.

" Ehem, maaari ko po bang makausap si Ms. Alexis Chey Escque? " the kid said in a manly yet very very cute voice.

" Sh*t! " nagulat si Lex at napahawak sa sintido niya. " who brought you here young man? "

" Nanay Rosi !!" sabi pa nito na parang tama ng kanyang sagot. With matching pagtaas ng kamay at patalon talon.

"Come here nga" at kumalong sa kanya ang bata.

ang cute nilang tignan para silang mag-ina. Teka?!

" Lex! anak mo?! " napatayo nalang ako sa upuan ko ng 'di oras. Tumango naman siya in response na siyang ikinalaki ng mata ko. Yung bata naman tawa lang ng tawa.

" Hahahaha, you're a funny man mister. Don't ya know me? I'm the most handsome big boy, to the B then to I and G, " Proud niyang sabi. At lumabas ang kanyang dimples. How adorable.

"Ang daya mo naman Lex, hindi ka nagkukwento. Tsk."

"Well hindi ka rin naman nagtatanong noh, osya let me introduce to you my son Aki Charles Escque. Aki meet Tito Ron Vincent Salvador, my new partner." At lumapit sa akin ang cute na batang toh at nakipag-shake hands.

HER SON?!

Monster HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon