Alexis Chey's POV
It's saturday morning, I'm currently driving papunta sa mansion. Susunduin ko si Aki. At dahil si Aki ang kasama ko, kotse ang dala dala ko. It'll be more safer this way.
Bzzt.. Bzzt Bzzt.. Bzzt
Ron calling..
"Yeah?"
[Asan ka?]
"Kalsada why?"
[Seryoso Lex nasan ka? Bakit wala ka nanaman sa office? Ang daming trabaho dito oh!]
"So? Kaya niyo na yan. I still can't work properly kaya igagala ko muna si Aki this weekend."
[WHAT!?! Wait lang...] ano nanaman kayang iniisip ng lalaking to? Matapos ang ilang minuto ay bumalik na siya.
[Intayin niyo ko sa mansion. Sasama ako!] What??
"At sinong may sabing sasama ka? It is a mother-son bonding time. Bawal ang asungot."
[Aray naman! Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. Babyeee!!]
Toot toot toot
Aba't pinatayan pa ako. Mabilis akong nagmaneho papunta sa mansyon. Baka maunahan pa ako ng lalaking iyon.
Pagdating ko sa mansyon naabutan ko si Aki na nanunuod sa sala.
"Hey there baby!" Bati ko sa kanya, ng lingunin niya ako ay agad niya akong niyakap. Hmm, namiss ko siya sobra.
"Mama!! Namiss po kita. " at pinaulanan ako ng halik.
"Namiss din kita baby." Sabay halik sa noo niya. Napansin ko naman na nakalabi siya.
"Oh! What's that pout all about?" Umiling iling naman siya at nagmamartsa pabalik sa sofa.
"Mama naman eh! Sabi ko po sa inyo na hindi na ako baby!!." At nagtantrums na siya. Di ko mapigilang hindi matawa. Ang cute niya talaga.
"Sorry na po kuya!" Medyo nagliwanag naman ang mukha niya. Tumabi nalang ako sa kanya.
"So.. saan mo gustong pumunta? We have this whole weekend para gawin lahat ng gusto mo, as long as hindi yung makakapahamak sayo. Ok?" Tango naman siya ng tango habang naka-ngiti. Di ko mapigilan na pisilin ang pisnge niya at halikan sa noo.
"Mama nasan po si Tito RV? Sabi niya sakin kanina eh sasama daw po siya. Iiih! Nae-excite po ako mama!! Makakabonding ko na ulit si Tito RV!!." Sabay palakpak pa. Tsk.
Yung lalaking yun, siguro pagkatapos niya akong kausapin ay tinawagan na agad si Aki para siguradong wala akong palag. Tsk. Desidido talagang sumabit sa lakad naming mag-ina eh.
Beep beep! Beep beep!
"Mama baka si Tito RV na po yon! Tara na po!!" Hayy, ano pa nga ba magagawa ko eh halata namang tuwang tuwa si Aki. Kahit na tinatamad akong makita siya ay nagpahila nalang ako.
"'Sup kiddo!" Bungad ni Ron kay Aki. And they did a , some sort of handshake? Nang dumako naman ang tingin niya sa akin ay sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ma, tara na po! Para madami tayong magawa!"
"Lex c'mon! Wag mo ng sayangin ang magandang araw na toh." Akmang sasakay ulit siya sa kotse niya.
"Nope! I'll let you come with us but.." pareho naman silang tumingin sa akin " ... we are going to use my car, I drive."
"Okey. Let's go Tito! Bago pa magbago ang isip ni Mama."
Sumakay nalang din ako sa kotse ko at ini-start na, si Aki sa backseat at si Ron sa passenger seat.
"Bakit naman ganto Lex, we'll use your car but I'll drive." Naka-ngusong sabi ni Ron.
BINABASA MO ANG
Monster Hearts
RomanceMay mga taong umaalis at may mga taong dumadating. Lahat ng ito ay may dahilan. Ang buhay ng tao ay parang isang malaking waiting shed. Madadaanan ka ng sandamakmak na tao, may ibang titigil at makikisilong, may ibang titigil upang makihintay, may...