c h a p t e r 1 6

158 8 2
                                    

Sue

Sabado ngayon ng umaga pero di ko alam sa sarili ko kung bakit ang aga kong nagising. Pinilit ko pang matulog ako ulet ngunit wala, gising na talaga ko kaya bumangon nalang ako at tinignan si Suyeon na mahimbing na natutulog sa maliit nyang higaan.

Lumapit ako dito para ayusing ang magulo nyang kumot bago magayos ng sarili ko at lumabas ng kwarto.

Nagulat naman ako ng madatnan si Yeonjun na kumakain na sa lamesa habang nagcecellphone. Aba napakahimala naman at ang aga nyang nagising. Hindi nya ata ako napansin dahil tutok na tutok sya sa phone nya kaya lumapit nako dito at mahinang kumatok sa lamesa pero ikinagulat nya pa din iyon kaya nalaglag sa sahig yung phone nya.

"Yah! papatayin mo ba ko sa nerbiyos?!"

Medyo malakas na sigaw neto sakin habang ako ay di mapigil sa tawa, bwiset ang epik kasi nung mukha nya nang malaglag yung phone nya.

"Goodmoring, ano ba makakain dito?"

Sabi ko dito kay Yeonjun na matalim pa din ang tingin sakin. Ewan ko ba jan, simula kahapon ganyan na nya ko itrato na parang galit na galit sakin. Wala naman akong maalalang ginawa sa lalakeng yan at para magalit sakin.

Ah siguro dahil don sa sinabihan ko syang di sya nagbabasa ng libro? ewan!

Nang matapos nakong maghalungkat sa ref ay pabalik nako ng lamesa nang may magdoorbell sa maindoor ng bahay ni Yeonjun.

"Check mo nga, baka yung inorder ko na yon. Bat ang aga naman?" 

Utos naman sakin ni Yeonjun habang tutok pa din sa pagsecellphone. Tinaasan ko naman to ng kilay dahil sa paguutos nya pero no choice naman ako kasi nakikitira lang ako sa pamamahay nya kaya padabog akong tumayo at lumapit sa maindoor.

Sinilip ko muna ito kung sino at halos mangatog ang tuhod ko nang makita ang pagmumukha ni Jiwon sa screen. Nang mabalik naman ako sa reyalidad ay nagpaikot-ikot ako habang nagiisip kung ano ang gagawin. Napatakbo naman ako palapit kay Yeonjun.

"huy! s-si Jiwon yung nagdodoorbell--"

"A-ANO?! PERO B-BAKIT? ANO KAILANGAN NYA NG GANITO KAAGA--"  Pinutol ko naman ang sasabihin ni Yeonjun dala ng kaba ko.

"ANO BANG PINAGSASASABI MO! PAGBUKSAN MO NA YON AT BAKA MAHALATA TAYO!" 

Malakas na pabulong lang ang paguusap namin. Tumango naman itong si Yeonjun at inantay akong makapasok ng banyo para makapagtago.

Nang madinig ko ang pagbukas ng pintuan sa labas ay idinikit ko ang tenga ko sa pintuan nitong banyo para madinig ko ang pag-uusapan nila.

"Yeonjun..."  Halata ko sa tono ng pananalita ni Jiwon na nanlalata ito.

"Anong ginagawa mo dito?"  Taka namang tanong ni Yeonjun sa kanya. Bahagya naman akong natuwa ng madinig ko ang deretsong pananalita ni Yeonjun habang nasa harapan ni Jiwon. Di gaya ng dati na kapag nasa harapan nya si Jiwon ay nanginginig ang mga boses neto. Nagbago na ito kaya di ko mapigilang matuwa.

"Ah don't get me wrong, di ako nagpunta dito para guluhin ka"   Pangungumbinsing sabi sa kanya ni Jiwon.

"Tss. Ano ba kase yon?"  Tanong ni Yeonjun.

"I have something to tell you--"

"Go ahead, tell me."   Deretsong sagot ni Yeonjun sa kanya. Sayang at di ko makita ang mukha ng babaeng, di ko tuloy mahulaan ang plano nya.

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon