c h a p t e r 15

139 8 1
                                    

After 5 months...

Sue

"susmiyo Sue, etong pamangkin ni Yeonjun e may titanong saakin. Nakakabilib naman ang batang ito. 2y/o palang pero ang tatas na magsalita!"  

Malakas na dinig ko sa kabilang linya kay ate Chie.

"Ano ba kasi yun ate? Teka pauwi na kami, nag-asikaso pa kasi kami sa school kaya natagalan, pauwi na kamj okay?"

"Sige sige,magiingat kayo"   ibinaba ko na ang cellphone ko at binulsa yon tsaka dineretso ang tingin sa kalsada.

Medyo late kasi kami nakauwi ni Yeonjun kasi naparusahan kaming maglinis ng canteen dahil sa pagiging late namin kaninang umaga. Hindi naman talaga kami malelate kundi dahil kay baby. Ang daldal na nya kasi tapos ayaw nya pa kami paalisin kaya pinatulog ko muna ito bago kami nakaalis ng bahay ni Yeonjun kaya napaglinis kami ng canteen.

Oo, ang daldal na ni baby masyado. Akalain mo 2y/o pa lang naman yon pero ang tatas na nya mag-salita. Di namin alam kung may lahi bang kung ano ang batang yon pero normal lang naman daw iyon kasi palagi ko syang kinakausap dati nung nga panahong 1 y/o palang sya.

"Is that ate Chie? What's wrong?"   Tanong ni Yeonjun sakin habang nakatingin ng deretso sa pagmamaneho.

"Si baby, meron daw tinatanong sa kanya na tayo lang daw ang makakasagot. Ewan ko ba kay ate Chie! Ano naman itatanong nun at bat tayo lang makakasagot?" 

Pagtataka ko naman. Wala naman kasing ideya na pumapasok sa isip ko kung ano bang tatanungin ng batang yon na kami lang daw ang makakasagot. Sigyro pinagmamadali lang kami neto ni ate Chie umuwi dahil may gala to. Psh.

Hindi naman na sumagot si Yeonjun at tinuon lang ang atensyon sa pagddrive hangang sa makarating na kami sa pamamahay nya.

Agad kaming bumaba at naabutan namin si Ate Chie sa salla na karga karga si baby. Agad na lumapit si Yeonjun sa kanila at kinuha si baby sa mga bisig ni Ate Chie.

"Hey baby, ano pong problem nyan ni baby?"   Pagbababy talk naman nya sa pamangkin nya.

"O sya, Sue, Yeonjun. Uuwi na ako at nagmamadali talaga ako"

"Teka ate Chie!"   Di naman na nya ko pinansin at dumirediretso sa labas.

Aish! Boba ka Sue! Nakalimutan ko lang naman itanong sa kanya kung ano tong tinatanong ng bata sa kanya na kami lang daw ang makakasagot.

Naupo naman ako sa tabi nila at tinanong si baby.

"What do you want? Ibibigay yan ng daddy mo"  pambibiro ko sa bata habang ako ay sinamaan ng tingin netong si Yeonjun.

"Hoy, Sue ayoko syang ma spoiled--"

"Gaya mo?"   Pambibitin ko sa kanya. Natawa naman ako sa pandidilim ng aura neto sakin at binaling ko nalang ang atensyon ko sa bata.

"D-daddy Y-yeonjun..." 

Natahimik naman kami sa pagsasalita ni baby.

"Yes baby?"  Pagtatanong sa kanya ni Yeonjun.

"M-mommy S-sue..."   Napatakip naman ako ng bibig sa sobrang gulat nang tawagin nya ko sa pangalan ko. Omg!! Kilala nya ko?!?!

d a d d y | yeonjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon