Sue
"Ano?! Don't tell me may nararamdaman pa yang si Yeonjun don sa lukang yon? Diba ilang beses na syang niloko ni Jiwon? Akala ko ba nadala na sya?"
Kasalukuyan kaming andito sa canteen ni Aera. Napag-usapan namin lahat kung bakit nga ba ako umalis at nagstay sa dorm nya. Di sya makapaniwala sa kinuwento ko kung paano ako pinigilan ni Yeonjun na sugudin si Jiwon. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala kasi nung araw na nabugbog ako ay grabe ang galit nya kay Jiwon, tapos ngayon naman ayaw nya kong makaganti sa babaeng lintang haliparot na yon!
"Ewan ko ba! Kahit ako e naguguluhan na talaga, hangang ngayon di ko pa sya kinakausap dahil don. Naiinis ako, bahala na nga sya jan magpakatanga sa babaeng yan."
Imbis na sumangayon itong si Aera ay tinignan ako neto ng mapanura.
"Hmm, nangangamoy selos ah. Di ko sinabing si Sue yon ah pero parang ganon na nga HAHAHAHA"
Ayan nanaman sya sa pang-iinis nya. Minsan ang sarap talaga manapak ng kaibigan paminsan minsan. Kaya naman inirapan ko nalang ito at pinagpatuloy yung pagkain ng lunch namin. Ilang minuto din kaming tahimik ni Aera habang kumakain nang mapansin ko na parang may tinatanaw syang kung sino sa malayo at dahil nga curious ako kung ano yon ay tinanaw ko din yung tinitignan nya.
Napagtanto kong dun sya nakatingin sa gitnang mesa na inuupuan nila Soobin na maingay na naglulunch don, at ang mga gunggong na yon e feel na feel naman yung pagpapapansin ng mga babae sa kanila. Nung isang buwan ko pa talaga napapansin itong si Aera na ganito ang kinikilos tapos pag anjan yung txt para namang hiyang hiya sa buhay nya.
"Hoy, okay ka lang?" Napansin ko bigla syang nalungkot at pinagpatuloy ang pag-kain nya.
"O-oo naman, tapos ka na ba? Tara na, n-nawalan na'ko ng gana"
Hinawakan naman neto ako sa kamay at hinila na palabas ng canteen nang di manlang nakakapagsalita.
Yeonjun
"Can't you see? kumakain pa kami."
Seryosong tugon ni Taehyun dito sa mga babaeng nasa harapan namin bago ibaling ang atensyon nya sa pintuan ng canteen. Natawa nalang ako dito nang makita ko nanaman yung pagsusungit nya.
Nabaling naman ang tingin ko kay Soobin na sinusundan ng tingin si Aera palabas ng canteen kasama si Sue.
"Yeonjun hyung ba't di nga pala sumabay satin sila Sue?" Tanong ni Hyuka sakin habang kumakain.
"Mukhang galit nanaman si Sue, ano ba kasi ginawa mo nanaman Yeonjun hyung?"
Natatawang tanong ni Beomgyu sakin.
"Dahil kay Jiwon." Tipid kong sagot na nakapagpagulat sa kanila.
"Dahil nanaman sa baliw na yon? Haha ano ba kasi nangyari hyung?"
Tanong ulit ni Hyuka sakin.
"Wala, tara na nga." Sabi ko sa kanila bago tumayo sa upuan namin at nagsilabas na ng canteen at dumiretso ng school.
Sue
"Sue" napatingin naman ako kay Aera nang tawagin ako neto. Sinara ko muna yung notebook ko bago sya tignan ulit.
"Bakit?"
"Alam ko namang close na close ka sa txt"
Sagot neto sakin kaya bahagya akong natawa.
"Di naman masyado, si Yeonjun lang talaga close ko sa mga yon. Bakit mo natanong?"
Di naman talaga ko close sa txt, slight lang. Nalapit lang naman ako sa kanila dahil kay Yeonjun kaya nga yung mga fangirlsa nyan dito sa school e panigurado nakong kinakatay nako sa isipan nila pero bahala sia.
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfiction"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You