[Sue]
"I like you, sue"
Di na ko nagulat pa nang madinig ko ang mga salitang yon galing sa kanya, sa tuwing nakainom sya at ako ang kasama nya.
Palagi nyang sinasabi na gusto nya ko tapos pag tinanong mo naman kinabukasan kung may naalala sya ay tatanggi lang ito at pagtatawanan pa ko, galing diba.
"Tigilan mo'ko. Tara na nga subukan mo pang bumaba dito talaga namang papasok ka mamayang may pasa sa mukha."
Inalalayan ko na ito papunta sa kwarto nya at nanatili muna don ng mga 3mins to make sure na tulog na talaga tong gunggong na to.
After non pumunta nako sa kwartong tinutuluyan ko at nagtuloy tulog na sa pagtulog.
______
Maswerte naman at kahit 3am nako nakatulog ay maaga pa din akong nagising, salamat sa pamangkin ni Yeonjun at napakalakas humagulgol hahaha
Pinagtimpla ko naman ito nang gatas at pinabalik sa pagtulog dahil 6 palang ng umaga, kinontact ko narin si ate chie na agahan ang punta dito para bantayan si baby.
Paglabas ko ay naabutan ko naman si Yeonjun sa kusina na umiinom nang tubig with matching gulo gulo hair.
"Hi sue" bati naman neto sakin, nagdadalawang isip tuloy ako kung tatanungin ko pa ba sya kung may naaalala sya kagabi? Argh!
"Naalala mo ba pinagagagawa mo kagabi? Ha?" Bigla naman syang napaisip at parang nirerecall lahat ng naaalala nya.
Bigla namang napatingin sakin ito nang may halong gulat na gulat at tinuro pa ko, ano nanaman kayang tumakbo sa kokote netong isang to.
"shit, d-don't tell me Sue. May nangyari satin?!"
Agad naman akong lumapit dito at ambang sasampalin na pero iwas lang sya ng iwas.
"Napakadumi ng utak mo Yeonjun wag mong antaying kung anong magawa ko sayo ha!"
Suway ko sa kanya habang sya ay tawa lang ng tawa ang kapal ng mukha.
"Wag ka papakita sakin!" Sabi ko at deretsong pumunta sa kwarto para maligo at makapaghanda na din papasok ng school.
After non lumabas na ko sa kwarto ko at dumiretso ng kusina at naabutan ko ulit si Yeonjun don na kumakain at nakasuot na rin ng uniform.
Sinaluhan ko naman sya sa pagaalmusal.
"Parating na si ate chie, baka kung ano-ano naman ikuwento mo don ah umayos ka"
"For sure magugulat yon kasi lumaki akong gwapo haha" pagpuri naman nya sa sarili nya.
"Pwede ba wag mo sirain ang araw ko"
Tinawanan lang ako neto at bumalik na sa pagkain. Lumipas naman ang 10mins nang dumating na si ate chie dito sa bahay.
"Ako na magbubukas nakakahiya naman sayo" prankang sabi ni Yeonjun kaya inirapan ko nalang ito.
"YAH! YEONJUN IKAW NA BA YAN?!" Dinig na dinig ko nanaman yung napakalakas na boses ni ate chie, at the same time, nakakairita sa tenga.
"Long time no see ate chie" dinig ko namang salubong sa kanya ni Yeonjun.
Pinapasok naman ni Yeonjun si ate Chie at agad naman akong nilapitan ni atechie at niyakap na kulang nalang e mapirot ako sa sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
d a d d y | yeonjun
Fanfiction"gusto kong itrato mo na sya na parang tunay mong anak, Yeonjun." _________ [TomorrowxTogether series: #3] Highest rank: #1 🔁[ONGOING] | Choi yeonjun | Yeonjun x You